Chapter 45: Missing

280 10 5
                                    

[Sandra's POV]

Kasalukuyan naming chine-check ni Janice ang recording's ng CCTV camera sa school nina Hannah.

Hindi namin alam kung nasaan sila.. Bigla nalang silang nawala nang parang bula.

"Sabihin na kaya natin kay Ally 'to?" Sabi ni Janice.

"Hindi pwede. Baka patayin tayo nun kapag nalaman nyang nawawala ang anak nya." Sabi ko.

Knowing Ally.. Basta galit sya wala syang sinasanto. Namana nya ang ugaling yun sa Daddy nya na kasalukuyang nasa Mental Hospital.

Namana naman ni Ally sa ina nya ang pagiging matalino. Ugali ng ina ni Ally na daanin ang lahat sa pera at ganon din si Ally.

At sa tingin ko ganon din si Hannah.

Si Henry naman hindi madalas seryoso pero kapag si Hannah na ang pinag-uusapan matakot ka na.

Nakakatakot magalit ang mag-asawang yon kaya hindi ko sasabihin sa kanila na nawawala ang anak nila.

Gusto ko pang makasama ang anak ko kaya kailangan ko pang mabuhay ng matagal para makasama ang anak ko.

"Wait.." Sabi ko nang makita na naglalakad si Hannah kasama yung nakalaban nito sa abandonadong pabrika.

Pinanood lang namin iyon at doon kitang-kita ko ang pagdating ng mga kaklase nila. At kung paano paalisin ni Hannah yung kasama nya.

Parehas kaming napangiwi ni Janice ng makita namin kung paano bugbugin si Hannah.

"Teka! Si Tristan ba yon?" Tanong ni Janice habang tinuturo yung lalaking tumatakbo papalapit kay Hannah.

"Si Tristan nga." Sabi ko.

Binugbog ni Tristan ang lalaki ngunit kagaya ni Hannah nabugbog din sya ng mga ito.

Parehas na silang nakahiga sa sahig.

"Okay ayoko na.." Sabi ni Janice ng makita si Hannah at Tristan na maghawak kamay.

"Bitter mo.. Mag-asawa ka na kasi!" Sabi ko pero inirapan lang ako nito.

Hinila ng tatlong lalaki si Hannah matapos syang suntukin sa sikmura.

Habang si Tristan ay binugbog pa nila at hinila rin pagkatapos.

Tinignan ko kung saan sila liliko yung isa ay sa kanan at yung isa naman ay sa kaliwa.

"Tignan natin yung recording ng CCTV sa Parking lot." sabi ni Janice kaya tumango ako bilang sagot.

Tinignan namin ang record at..

"Si Gilbert Williams yang lalaking yan." Sabi ni Janice.

"Victoria Scott." sabi ko nang makilala ko ang isang babaeng buhat-buhat ng lalaki.

"Teka meron pa.. Yung anak mo Sandra." Sabi ni Janice nang makitang isakay sa loob ng van ang anak ko.

"Kisha.." Sabi ko.

Bigla akong napatayo kaya nagtatakang tinignan ako ni Janice.

"Saan ka pupunta?" Tanong Ni Janice.

"Sumunod ka nalang.. Tawagan mo si Kristine at Trevor sabihin mo nagmakita-kita tayo sa parking lot ng Middleton University." Sabi ko at kaagad naman nitong ginawa ang sinabi ko.

***

"May nangyayari ba?" Tanong ni Kristine.

"Meron." sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ko.

"Sundan nyo ko.. Alam ko na kung saan tayo pupunta." Sabi ko at kaagad na nag maneho kaya sinundan na lamang nila ang kotse ko.

Huminto ako sa may tapat ng lumang gusali ng mga Williams.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now