Chapter 8: I'm Late

706 29 3
                                    

[Hannah's POV]

Damn! Naririnig ko na naman yung bulong. Tsk hindi na nga ako makatulog ng maayos ng dahil sa panaginip na yun pati ba naman ngayong gising ako? Walang patawad yang bumubulong sakin ng 'Abraxas' na yan ah!

"Hannah? Are you okay?" Tanong ni Tristan habang nakatingin sa hawak ko. Kaya tinignan ko rin yung hawak ko only to find out na napunit ko na pala yung papel na hawak ko...

Nakakainis naman kasi talaga! Inaantok pa ko! Tapos nagpaparamdam na naman yang walangyang bulong na yan!

"Yes I am." Sagot ko na lang at binigyan sya ng pekeng ngiti. Wala akong panahon ngumiti ngayon dahil inaantok talaga ako.

"Psst!" Tawag sakin ni Kisha at siniko ako kaya tumingin ako sa kanya.

"Oh?" Sabi ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong nya habang nakatingin kay Tristan.

"Ahh nakilala ko sya sa party.." Sabi ko.

"At Hindi mo manlang kinuwento sakin?" Sabi nya habang tinitignan ako ng masama.

"Bakit? Nagtanong ka ba?" Sabi ko.

"Kainis toh." Sabi nya at nag-pout.

***

Lumipas ang ilang oras at sa wakas! Break Time na. Kaya pupunta kami ni Kisha sa cafeteria nang biglang...

"Hannah!" Tawag ng isang boses lalaki. Kaya napalingon ako sa likod at nakita ko namang tumatakbo si Tristan papunta sa direksyon ko.

"Oh?" Sabi ko ng makarating sya sa direksyon namin ni Hannah.

"P-pwedeng makisabay sa inyo?" Tanong nya.

"Bakit samin pa? Eh pwede naman sa iba pa nating mga kaklase." Sabi ko pero umiling-iling.

"Eh ikaw lang kasi ang kilala ko dito eh.. Kaya sa inyo nalang ako sasabay." Sabi nya.

"Pero pano---" sabi ko na biglang naputol nang magsalita si Kisha.

"Sige na Tristan sumabay ka na saming dalawa ni Kisha." Sabi ni Kisha.

"Talaga? Thank you!" Sabi nya at nag-bow.

"Ano? Tara?" Yaya ni Kisha saming dalawa kaya nag-roll eyes nalang ako sabay sabi ng "K."

[Sa Cafeteria]

"I-order nyo nalang ako ng pagkaing meron don tinatamad akong pumila." Sabi ko ng makarating kami sa table namin ni Kisha.

"Kahit ano ha? Sabi mo yan." Sabi ni Kisha.

"Oo nga basta kahit Anong i-order nyo sakin wag lang spicy food and yung matatamis na pagkain." Sabi ko at pagkatapos nun pumila na sila para um-order ng pagkain namin.

Time Check- 3:30 PM

Dalawang oras pa bago mag-uwian..

Uupo na sana ako sa upuan ko ng bigla akong may napansing papel na nakatiklop.. Kaya kinuha ko yun at binuklat.. At biglang nangunot ang noo ko nang mabasa ko ang sulat..

"Again?!" Asik ko. Alam nyo ba kung ano ang nakalagay sa papel? Again! Yung mga numero na naman!

Pero ibang numero naman sya today.. Don't tell me bagong numero bagong... Biktima?

10-02-6:30

Bigla nalang akong kinabahan sa di ko malamang dahilan.. Bakit ba ako kinakabahan?

Bigla akong napatingin sa paligid ko nang may mapansin akong isang taong nakatayo sa may
tapat ng pinto ng cafeteria. Naka-hood sya at naka-mask kaya hindi ko makita masyado ang itsura nya. Pero alam kong lalaki sya.

My Favorite Game : Survival Gameحيث تعيش القصص. اكتشف الآن