Chapter 43: Tortured

350 13 3
                                    

[Third Person's POV]

"Anong gagawin natin? May mga sugat ka baka magalit sayo ang parents mo." Sabi ni Nicole habang ginagamot ng nurse ang mga sugat nila.

"Ako ng bahala dun.. Kung magagalit sila hindi ko nalang papansinin." Sabi ni Hannah kay Nicole habang pinapanood nito ang pagtahi sa sugat niya.

Napangiwi naman si Nicole sa mga natamong sugat ni Hannah.

Hindi ito masyadong sugatan pero ang mga sugat naman nito ay talagang kailangan tahiin dahil sa laki at lalim nito.

"Papasok ka sa school?" Tanong ni Nicole.

"Yeah.. Kailangan eh. Ikaw ba?" Tanong ni Hannah kay Nicole.

"Papasok ako.. Kailangan ko din eh." Sabi ni Nicole.

"Good luck satin." Sabi ni Hannah kaya napakunot noo si Nicole.

"What do you mean?" Tanong ni Nicole.

"Sugatan tayo tapos papasok tayo sa school bukas. Sa tingin mo anong iisipin ng mga kaklase natin once na makita nila tayo na ganito ang itsura?" Dere-deretsong sabi ni Hannah kaya kinabahan ng konti si Nicole.

"Iisipin nila na baka tayo ang killer.. Or worse baka may gawin sila sating masama." Sabi ni Nicole kaya napabuntong-hininga si Hannah.

"Kaya Good luck sating dalawa bukas.. Kung may mangyayari man atleast handa tayo." Sabi ni Hannah at tumango naman si Nicole bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Hannah.

***

Nai-report na nina Kristine at Sandra ang ginawa nina Hannah at Nicole kani-kanina lang sa abandonadong pabrika.

"Panoorin nyo 'to." Sabi ni Sandra kay Ally at Henry sabay bigay nito ng kanyang phone.

Pinanood nina Ally at Henry ang video...

Nanlaki ang mata ni Henry nang dahil sa gulat nang mapanood nito kung paano makipag-laban si Hannah.

"Hindi sya makukuha ni Abraxas kung ganyan sya kagaling Hon.." Sabi ni Henry sa asawa nitong si Ally.

"Sana nga.." Sabi nalang ni Ally.

"Huwag mo ng pagalitan si Hannah.. Uuwi yun dito panigurado ng sugatan." Sabi ni Sandra.

"Pinagha-handaan lang ni Hannah ang Trap ng Killer kaya sana huwag mo ng pagalitan pa ang anak." Sabi naman ni Kristine.

Napabuntong-hininga na lamang si Ally nang dahil sa sinabi ng dalawa nitong kaibigan.

"Okay fine.. Hindi ko na sya papagalitan." Sabi ni Ally kaya napangiti naman si Kristine at Sandra nang dahil sa sinabi ni Ally.

"Good.. Sige mauna na kami." Sabi ni Sandra at kaagad na hinila si Kristine palabas ng bahay nina Ally.

"Ingat!!" Sigaw ni Henry sa dalawa.

"INGAT SILA SAMIN!!" Sigaw naman ni Kristine kaya nagtawanan na lamang sina Ally at Henry

***

Umuwi si Hannah sa kanilang bahay. Pinagtitinginan naman si Hannah ng mga maids nila dahil sa mga natamo nitong sugat at kapansin-pansin din ang mga tinahi nitong sugat.

Nakita ni Hannah ang magulang nya na nasa living room.. Nakaupo ang Mommy nya sa couch ganon din naman ang Daddy nya.

Nagkatinginan sila ng Mommy nya kaya kinabahan si Hannah.. Ngunit nagulat si Hannah nang ngitian sya ng ina.

Umakyat na lamang si Hannah papunta sa kwarto nya at doon ay kaagad na bumagsak ang katawan nito sa kama.

"Nakakapagod." Sabi ni Hannah sa sarili nya.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now