Chapter 46: The New Squad

270 11 3
                                    


[Third Person's POV]

Tahimik ang kwarto nina Kisha. Gising na rin silang lahat ngunit mga nakatulala lamang sila.

Halatang na-trauma sa nangyari sa kanila sa hotel ng mga Williams.

Samantala tahimik na pinapanood ni Janice ang galaw ng lima sa laptop nito.

Merong nilagay na hidden camera si Janice sa loob ng room nina Kisha.

Naglagay sya ng hidden camera para malaman nya ang galaw ng mga ito.

Malakas ang kutob ni Janice na nangyayari sa mga bata ang nangyari na noon kaya ino-obserbahan nya ito.

***

"Yung nangyari satin.. Totoo ba yun?" Tanong ni Tristan.

"Kung totoo ang nangyari sakin.. Malamang patay na ako.. Kaya for me it's a no." Sabi ni Nicole kaya kumunot ang noo ni Tristan.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Tristan.

"Napunta ako sa isang Hospital at inoperahan ako ng baliw na doctor na yun nang buhay." Sabi ni Nicole na bahagyang napangiwi nang maalala ang nangyari sa kanya.

"By the way.. Bawal pa ba tayong lumabas dito?" Sabi ni Nicole na kanina pa kating-kati na umuwi sa kanila.

"Bakit?" Tanong ni Kisha kay Nicole.

"I hate this place. I hate Hospitals." Sabi ni Nicole na nakasimangot na.

"Now I get it." Sabi bigla ni Victoria.

"Okay?" Sabi ni Kisha kay Victoria na bigla na lang nagsalita.

"You hate hospitals right?" Sabi ni Victoria kay Nicole.

"Kakasabi ko lang." Sagot ni Nicole kaya inirapan sya ni Victoria.

"Sa Hospital ka napunta kanina at gaya nga ng sabi mo ayaw mo sa  hospital." Sabi ni Victoria kaya napakunot ang noo ni Nicole dahil dito.

"So?" Sabi nito.

"Napunta ka sa Hospital dahil ayaw mo dun tell me bakit ayaw mo sa hospital?" Tanong ni Victoria.

"I just find them very creepy.." Sabi ni Nicole.

"So tama nga yung naisip ko." Sabi ni Victoria kaya tinignan na sya nina Kisha nang halong may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Lahat ng nangyari satin ay kinakatakutan natin." Sabi ni Victoria.

"Pwede ring oo pwede ring hindi." Sabi ni Gilbert.

"I was happy that time." Sabi ni Gilbert.

"Hindi ako natakot.. Why would I? nakasama ko ang lil sis ko." Sabi ni Gilbert kaya umiling-iling si Victoria.

"Stupid." Sabi Ni Victoria kaya tinignan sya ng masama ni Gilbert.

"Illusion." Sabi ni Kisha.

"Ilusyon lang ang lahat." Dugtong pa ni Kisha.

"Yeah I think so too." Pag-agree ni Nicole kay Kisha.

"At yung tungkol sa sinabi ni Victoria.. Totoo din yun.. Kung naging masaya ka kanina ilusyon mo lang yun Gil.." Sabi ni Kisha.

"Kaya pala.. She seems so real." Sabi ni Gilbert at napabuntong-hininga.

"She?" Tanong ni Tristan.

"N-nevermind." Sabi ni Gilbert kaya nagkibit-balikat na lamang si Tristan.

Binalot ang silid nina Kisha ng nakakabinging katahimikan.

Nang biglang tanggalin ni Nicole ang mga swerong nakakabit sa katawan nya.

"What the fuck do you think you're doing Nicole?" Sabi ni Victoria na nagtataka sa ginawa ni Nicole.

"Trying to get out of this shitty place wanna come with me?" Sabi ni Nicole habang nakangisi.

Biglang ngumisi si Victoria at kasabay nun ay ang pagtanggal nya rin ng swerong nakakabit sa kanyang katawan.

"Hindi tayo pwedeng mag-stay dito.. Kapag nalaman ng mga kaklase natin na nakawala tayo they will surely kill us." Sabi ni Tristan na nagsimula na ring tanggalin ang swerong nakakabit sa katawan nya.

Nagkatinginan si Kisha at Gilbert pagkatapos ay kaagad na tinanggal ang mga swero sa kanilang katawan..

***

"Sakit talaga sa ulo ang mga kabataan.." sabi ni Janice na napailing na lamang dahil sa ginawa nina Kisha.

Biglang tinawagan ni Janice ang security guards na nagbabantay sa lahat ng exits, entrance's at fire exits ng Hospital.

"Papunta na sila." sabi ni Janice.

("Yes Ma'am.. Kami na po ang bahala.") Sabi ng Head ng security.

Inend na ni Janice ang call at napahilot na lamang sa kanyang ulo.

"Our Squad win the game before.. Now we'll see the New Squad's power." Biglang sabi ni Janice at ngumiti.

***

Nang malapit na sa Exit sina Kisha ay kaagad silang hinarang ng mga security guard.

"Hindi po kayo pwedeng lumabas ng Hospital Young Ladies and Young Masters." Sabi ng Head ng security.

"Umalis na kayo sa daraanan namin kung ayaw nyong magkagulo dito." Nagbabantang sabi ni Nicole sa Head ng Security.

Hindi kumibo ang mga ito kaya mas lalong nainis si Nicole.

"Isa.." Sabi ni Nicole. Ngunit hindi pa rin umalis ang mga ito.

Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa loob ng hospital kaya naman..

"dalawa.." Sabi ni Nicole kaya napangisi na ito.

"Tatlo." Sabi ni Nicole at kaagad na sinuntok ang Head ng security. Napasinghap ang mga taong nakakita sa ginawa ni Nicol ganon din naman sina Kisha.

Bahagyang napaatras ang Head ng security kaya naman kaagad na kinuha ni Nicole ang baril nito at kinasa sabay tutok ng baril sa Head ng security.

"Now.. Get lost." Malamig na sabi ni Nicole at saka inilagay ang daliri sa gatilyo ng baril..

"Don't worry kung mababaril ka ni Nicole mabubuhay ka pa because nandito ka na sa hospital." Sabi ni Victoria sa Head ng security habang nakangiti ng matamis.

Napalunok ng ilang beses ang Head ng security kasabay ng...

"G-give them way." Sabi nito kaya naglakad na sina Kisha papalabas ng Hospital.

***

Sinuot ni Janice ang maskarang matagal na nyang hindi nagagamit. She only wear this mask when she wants to kill someone.

Disappointment is written on her face while she walks in the hospital's corridor.

"I'm sorry Ma'am." Sabi ng Head ng Security kaya napabuntong-hininga si Janice.

"Hindi kita hinire para lang maging duwag at mahina." Sabi ni Janice kaya napayuko na lamang ang Head ng Security.

"I'm really sorry Ma'am.." Paghingi ulit nito ng tawad kay Janice

"It's okay.." Sabi ni Janice kaya nakahinga ng maluwag ang Head ng Security.

Biglang humarap sa Head ng Security si Janice at kasabay nito ang pagbunot ng baril sa likuran nito at..

[BANG!]

"Your sorry can't take them back here." Sabi ni Janice atsaka tinignan ang lalaking nakabulagta na sa sahig.

...
...

A/N: HAPPY 2.55K READS MFGSG!! YIEE!!!😂 nakakatuwa naman at naka-2.55K reads na ang story ko.. Kelan kaya magiging 1K yung votes ng MFGSG? lol😁

End of Chapter 46: The New Squad

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now