Chapter 42: Training

344 19 2
                                    

[Third Person's POV]

"Ano sa tingin mo ang gagawin nila ng babaeng kasama ni Hannah?" Tanong ni Kristine kay Sandra.

"Aba ewan ko.. Mukha ba akong manghuhula?" Sabi ni Sandra kaya inirapan sya ni Kristine.

"I really hope na hindi mo kaugali ang anak mo." Sabi ni Kristine habang naka-cross arms.

"Well base on my observation.. Sa tingin ko sakin nag-mana ang anak ko. Bukod sa talento nito at kagandahan namana din ni Kisha ang ugali ko." Sabi ni Sandra kaya napailing na lamang si Kristine.

"Manahimik ka na.. Gawin nalang natin trabaho natin." Sabi ni Kristine at tinawagan na si Janice.

("Oh?") Sagot ni Janice.

"Ano kamusta pag-a-apply mo ng trabaho sa School?" Tanong ni Kristine kay Janice sa kabilang linya.

("Okay na.. Magsisimula na akong magturo bukas sa Section nina Hannah.") Sabi ni Janice kaya napangiti si Kristine.

"Galingan mo pagtuturo ah? Nga pala kapag tinanong ka ni Tristan kung bakit ka nagtatrabaho sa School na pinapasukan nila.. Tell him na kailangan mong kumita ng pera." Sabi ni Kristine kay Janice at um-oo naman ito.

Matapos mag-usap ni Kristine at Janice ay nag-antay na silang lumabas si Hannah.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay.. Biglang naningkit ang mata ni Kristine nang makita ang kasamang babae ni Hannah ay nakaakbay na ngayon kay Hannah.

"Huwag kang magbigay ng malisya sa maliit na bagay.. Nakamamatay." Sabi ni Sandra kaya binatukan sya ni Kristine.

"Just shut up will you? Nawawala ka na naman sa katinuan mo." Sabi ni Kristine.

"Aalis sila.. Tara sundan natin." Sabi ni Sandra at palihim na nga nilang sinundan ang mga bata.

[Hannah's POV]

Kasalukuyan kaming papunta ni Nicole sa abandonadong pabrika malapit sa bahay nina Nicole.

"Baka bawal pumasok dyan." Sabi ko.

"Don't worry.. Binili na ng pamilya ko ang lupain na ito.. Balak nilang magtayo ng another branch dito kapag naka-graduate na ako." Sabi ni Nicole.

Edi sila na mayaman.

"By the way kelan tayo magha-hire ng mga tauhan?" Tanong ko.

Kaya pala ayokong gastusin at ubusin lahat ng nasa credit card ko dahil kakailanganin namin ito.

"Sa sabado at linggo. Mahigpit na pagsubok ang kakaharapin nila bago natin sila i-hire." Sabi ni Nicole.

"Magkano ba kelangan natin ibayad?" tanong ko.

"Dahil sa buhay nila ang nakataya dito.. Makakatanggap sila ng 100k. Kapag natapos ang party na ligtas tayo at sila din makakatanggap sila ng another 100k.. Kung magrereklamo sila na maliit ang perang iyon hindi ako magdadalawang isip na gawing miserable ang buhay nya." Sabi ni Nicole.

"Tss. Ayaw ma-reject?" Tanong ko.

"Nah syempre.. Kahit naman sino ayaw ma-reject kaya para hindi tayo magmukhang tanga. Lalakihan natin ang sweldo nila." Sabi ni Nicole.

Nang makapasok na kami sa loob ng pabrika kaagad na bumungad samin ang parang covered court na ewan. Actually para syang parking lot ng mga malalaking truck may bubong nga lang.

Pumasok kami sa bodega ng pabrika at may kinuha si Nicole na tatlong itim na malalaking bag.

"We need to train.." Sabi ni Nicole.

My Favorite Game : Survival GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang