Chapter 50: The New Killer

275 17 2
                                    

[Hannah's POV]

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa living room..

"Lucas.." Seryosong tawag ko dito.

"Oh?" Sabi nito.

"Yung invitation card.. Warning ba 'yon sa aming lahat?" Tanong ko.

Biglang naging seryoso ang reaksyon ng mukha niya kaya bahagya akong kinabahan.

"As expected.. Matalino ka talaga Hannah. Medyo na-late ka nga lang.." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" Nakakunot-noong tanong ko dito.

"10-18-7:00" sabi niya kaya kaagad akong napatingin sa wrist watch ko.

Damn!! It's already 6:34 PM

I need to save her!!

"You can't save her.." Seryosong sabi niya sakin.

"At bakit hindi?! Bakit pipigilan mo ko?! Akala ko ba kakampi na kita?!" Naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Mali ka.." Sabi niya.

"Then give me a valid reason para hindi ko siya iligtas!!!" Sabi ko.

"You can't die.. Mas maiging sila ang mamatay kaysa ikaw ang mamatay." Sabi ni Lucas.

"You're such an idiot.." Malamig na sabi ko dito at kaagad siyang tinalikuran.

I need to go there.. I'm going to save her.

"Hannah.. Stop." Sabi nito at hinawakan ako sa wrist ko para pigilan ako.

Pilit kong binawa ang kamay ko sa kanya pero mas malakas siya kaya wala din akong nagawa.

"Hindi ka pwedeng mamatay Hannah.. Kaya dito ka lang." Sabi ni Lucas

"Bakit ba paulit-ulit ka?! Bakit ano bang mangyayari kung mamamatay ako ha?! Wala naman diba?!" Sabi ko.

"Meron mangyayari Hannah.." Sabi niya.

"Ano?!" Sigaw na tanong ko dito.

"Si Thalia.. Kapag namatay ka mapupunta sa impyerno ang kaluluwa mo. Ang katawan mo ang magiging katawan ni Thalia. At ang pagkamatay mo ang magiging daan para pagharian ni Abraxas ang mundo natin." Sabi ni Lucas.

Tila tumigil ng sandali ang oras ko nang malaman ko ang totoong dahilan kung bakit hindi at bawal akong mamatay.

Unti-unti rin nagsink-in sa utak ko kung bakit ganon ang reaksyon ng magulang ko sa tuwing may nangyayari sa aking masama.

Kaya pala..

So all this time alam na nila kung ano ako? Kaya pala tinuruan nila akong makipaglaban.. Tinuruan nila akong lumaban para protektahan ko ang sarili ko..




At para na rin maprotektahan ko ang mga taong mahalaga sa akin.

[Third Person's POV]

Unti-unting kumurba ang isang ngiti sa labi ni Hannah. Kaya nagtaka si Lucas sa naging reaksyon ni Hannah sa sinabi niya dito kani-kanina lang.

"May pupuntahan ako." Malamig na sabi ni Hannah at buong lakas na tinanggal ang pagkakahawak ni Lucas sa kamay niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Lucas at hinayaan na makaalis si Hannah.

"Ingat.." Pabulong na sabi nito.

***

"Young Lady.. Sigurado po ba kayo? Sa susunod na linggo pa naman ang day-off namin." Sabi ng maid kay Nicole.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now