Chapter 51: Save Me

308 11 7
                                    

[Third Person's POV]

[BLAG!]

"SINONG MAY GAWA SAYO NITO?!" Nag-aalalang tanong ni Kisha kay Nicole pagkapasok na pagkapasok nito sa Room kung saan naka- confined si Nicole.

"Tsk.. Wag kang maingay natutulog ako." Walang ganang sabi ni Nicole kay Kisha kaya napabuntong hininga si Kisha.

"Yung killer ba?" Tanong ni Gilbert habang nakatingin sa wrist ni Nicole.

Napansin naman iyon ni Nicole kaya napatingin din siya sa wrist niya mismo.

"10-18-7:00" Basa ni Nicole sa nakasulat sa wrist niya.

"Oh Shit.." Pabulong na sabi ni Nicole habang iniisip kung paano nailagay ng killer ang numerong iyon sa wrist niya.

"May marka ka.." Sabi ni Kisha.

"Hindi ka napatay ng killer." Sabi ni Tristan. "Pero nilagyan ka niya ng marka." Dugtong pa nito.

"That means.." Sabi ni Victoria na biglang pinutol ni Nicole.

"Babalikan niya ako.. Supposedly dapat patay na ko kanina pang 7:00 PM.." Sabi ni Nicole. "Pero niligtas niya ako kaya buhay pa ako.." Pabulong na sabi ni Nicole na hindi naman narinig ng mga kasamahan niya sa loob.

"You're lucky..." Biglang sabi ni Victoria. "Swerte ka kasi naka-survive ka.. Good luck nalang sa muli niyong paghaharap ng killer." Dugtong pa ni Victoria kay nginisian siya ni Nicole.

"Well good luck din sayo, sa pagkakaalam ko hindi ka pa ginagalaw ng killer dahil hindi mo pa oras.. At tama ka, I'm really lucky kasi naka-survive pa ako and sana kayo rin." Sabi ni Nicole habang tinitignan ni Nicole sina Kisha.

"Hindi ako kasama sa target ng killer." Sabi bigla ni Gilbert.

"Same here." Sabi ni Tristan.

"Nandon ka sa party noong November 1.. Hindi ka makakapasok sa loob kung wala kang invitation card. Pineke mo yung invitation card tama ba?" Tanong ni Victoria nang maalala niyang magkasama si Hannah at Tristan sa may labas.

"Oo pineke ko siya." Pag-amin ni Tristan.

"Anong date mo ginawa ang invitation card?" Tanong ni Nicole.

"October 25." Sagot ni Tristan.

Lihim na napatingin si Nicole kay Kisha at Tristan.

"Isa ka na sa target ng killer." Sabi ni Nicole. "At ikaw Gilbert target ka man ng killer o hindi parte ka na rin ng laro..." Sabi ni Nicole.

"..Dahil kapag usapang laro lahat pwedeng makasali at pwedeng maging parte nito, masaya o masakit man ito sa damdamin natin pero once na makasali ka sa laro kailangan mong tapusin para manalo ka sa huli.." Seryosong sabi ni Nicole.

"At tatapusin natin ang lahat ng ito sa party." Sabi ni Kisha.

Nagkwentuhan lang sila nang nagkwentuhan. Gusto nilang makalimot sa mga problema nila kahit na sa sandaling panahon lamang.

Hanggang sa naisipan na lamang nina Kisha na matulog sa silid ni Nicole upang mabantayan nila ito.. Lalo pa't alam nilang babalikan si Nicole nang killer.

***

"You killed him?" Nanlalaki ang matang tanong ni Lucas kay Hannah.

"Tss.. Don't look at me that way.. You're creepy." Sabi ni Hannah habang nakangiwi.

Inayos naman ni Lucas ang kanyang sarili at..

"Di nga? Napatay mo talaga yung bagong killer? Napatay mo nang ganon lang kadali?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Lucas.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now