Chapter 61

135 6 2
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.
______________________________
______________________________





CHAPTER 61





|SOMEONE'S POV|






"HANNAH!!!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako nilingon, bagkus na lumingon ay sumama ito sa killer.

Yung killer!! Tama nga ako nang hinala.

Ang bagong killer ngayon ay si Kenjie.

"Bakit kailangan mong pumanig sa masama Kenjie?" Malungkot na sambit ko. "At si Hannah.. Bakit siya sumama kay Kenjie? Anong nangyayari?" Dagdag ko pa kaya naman napaisip ako.

Hindi ako pwedeng sumunod sa kanila.. May tiwala ako kay Hannah, alam kong alam niya ang ginagawa niya.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig at naglakad patungo sa kabilang direksyon nang venue.

Si Andy.. Nandito na kaya siya? Sana nakita niya si Kisha.

Habang nag-iisip ay may bigla akong narinig na sumisitsit sakin kaya naman napahinto ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang aking paligid.

Nang wala akong maramdaman ay nagpatuloy ako sa paglakad nang biglang may narinig na naman akong sumisitsit sakin.

"Alam kong ikaw yan, kaya lumabas ka dyan." Sabi ko.

"Aish!! Ang lakas talaga nang pakiramdam mong mokong ka 'no?" Rinig kong wika nang isang babae kaya naman kaagad ko siyang hinarap.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Kasama ako ni Papa.. Actually kasama ko rin si Sin." Sabi niya kaya naman tinignan ko siya nang masama.

"At talagang sinama mo yung bata dito? Alam mong delikado ang lugar na pupuntahan niyo bakit sinama mo pa si Sin?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Hey.. Chill ka lang, hot ka na nga sa paningin ko pati ba naman sa ulo? Tsk.. walang magba-bantay kay Sin kaya sinama ko siya." Sagot niya kaya napailing ako.

"Your dad will definitely kill you if he finds out that you bring Sin here.." Tanging nasabi ko na lang sa makulit na babaeng nasa harapan ko.

Kaedaran ko lang siya pero ang immature niyang mag-isip. She's always weird and creepy.

"Yeah right.. Change topic, hindi ako pumunta dito para landiin ka ngayon. Pumunta ako dito para tulungan ka." Seryosong aniya dahilan para mapatikhim ako.

Marunong din pala siyang mag-seryoso. I guess.

"Sin!!" Tawag niya sa kapatid niyang lalaki at mula sa may dilim ay may naaninag na akong batang naglalakad papalapit sa pwesto namin.

Kung etong babaeng 'tong nasa harapan ko ngayon ay bihira lang kung mag-seryoso eto namang kapatid niyang four years old pa lang ay malapit na atang mag-menopause sa sobrang seryoso.

Geez.. Bakit may ganyang ka-weird kang anak, Andy?

"Yes?" Bored na tanong ni Sin sa Ate niya.

"Akin na yung kwintas." Sabi ni Aubrey kaya naman kaagad na ibinigay ni Sin ang kwintas sa kanya.

Nang makuha niya ang kwintas ay kaagad niya 'tong iniabot sakin. Bago ko tanggapin ang kwintas ay tinignan ko muna ito nang maigi.

Isa itong silver na kwintas na may baliktad na cross.

"Balak mo ba akong i-alay sa demonyo at binibigyan mo 'ko nang kwintas na may baliktad na cross?" Tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now