Chapter 23: Memento Mori

437 16 1
                                    

[Hannah's POV]

Kanina pa kami nag-aasaran ni Tristan habang nanonood ng movie.. Kasama din namin si Kisha pero nakakapagtakang ang tahimik nya ngayon..

Kanina pa sya hindi nagsasalita. May problema kaya sya?

Bigla ko namang binatukan si Tristan.

"Aray!" Sabi nya. Kaya lumapit ako sa kanya at saka bumulong..

"Ang tahimik ni Kisha.. Napansin mo?" Tanong ko at tumango naman sya.

Muli kong tinignan si Kisha. Nakatulala lang sya at parang may mali sa kanya ngayon.

Baka pagod lang sya kaya tahimik sya ngayon. Pero hindi eh para talagang may mali.

Di bale kakausapin ko nalang sya mamaya.

[Trixie's POV]

F-ck.

Nang dahil sa Kisha na yan mukhang manganganib pa ang buhay ko. Tsk.

"Hey Trixie. Are you okay? Kanina ka pa tulala dyan." Sabi ni Victoria. Sya yung kaibigan ko since Elementary magkaklase na kami kaya naman kilalang-kilala namin ang isa't-isa.

Kasalukuyan naming tinitignan kung tugma ba yung mga sagot at yung tanong sa test paper kaya ito kami ngayon nagpupuyat. Di bale worth it naman kasi kami ang makakaangat kapag natapos na ang exam. Kami ang mangunguna sa Rank at maiiwan sa pinakang-baba sina Hannah at Kisha.

Kami naman kasing dalawa ang nangunguna sa Rank dati.. Nag-aral lang yang Hannah na yan dito sa school namin kaya sya na yung tiningala ng lahat.

Grade 5 lang kami ng mag-aral sya dito.. At talagang sya pa ang naging Valedictorian nung Elementary kami.. Tss. Hindi ko hahayaang mangyari ulit yan. Babawiin ko ang dapat ay akin.

"Hmm.. Yung iba hindi tugma yung tamang sagot sa mismong tanong.. Tignan mo toh ito yung tamang sagot pero wala sa choices yung tamang sagot.." sabi ni Victoria.

"Mukhang alam nila na may kukuha ng mga test paper." Sabi ko nalang.

"Okay lang yan.. Hangga't na satin 'tong test paper malalaman at malalaman din natin ang sagot." Sabi ni Victoria.

Nag-basa lang kami ng nag-basa..

Pero sa kabila nun hindi ko pa rin maiwasan ang hindi isipin ang sinabi ni Nicolas.

Bakit gusto nyang kalimutan ko ang nakita ko kanina? At talagang handa syang patayin ako para lang mapagtakpan nya ang ginawang pagpatay ni Kisha..

Kung wala si Nicolas kanina siguro naisumbong ko na sa pulis ang ginawa ni Kisha. Si Kisha pala ang killer. Si Kisha na sa simula pa lang ay kalaban ko na sa Rank..

Sayang dahil hindi ko nagawang isumbong sya sa mga pulis.

Kung naisumbong ko sya...

Sigurado akong babagsak na sya..

Sayang talaga..

"Tapos na ko. Ikaw?" Sabi ni Victoria.

"Tapos na rin." sabi ko. "Ano yang sinusulat mo?" Tanong ko ng bigla syang mag-sulat sa sticky note nya..

Nang matapos syang mag-sulat ay idinikit nya sa noo ko yung note kaya napasimangot ako. Tama bang gawin nya yun sakin? Tsk.

"Uuwi na ko.. Salamat." Sabi nya at tumayo na at naglakad palabas ng kwarto ko.

Kinuha ko naman ang yung sticky note na nakadikit sa noo ko at binasa ang nakasulat..

"Memento Mori."

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now