Chapter 34: Bloody Invitation

355 15 3
                                    

[Hannah's POV]

"Ang tagal naman." Reklamo ni Kisha habang nakatingin sa relo nya.

Parang 10 minutes pa lang eh tsk.

"Bakit kasi nawala yung susi ng classroom natin?! Kung kelan naman ang dami kong dalang libro AISH!!" Inip na inip nang sabi ni Kisha.

"Give me your bag." Biglang Sabi ni Gilbert kay Kisha.

"Ayoko nga!!" Mataray na sabi ni Kisha kay Gilbert.

"Ibibigay mo sakin o ikaw ang bubuhatin ko?" Tanong ni Gilbert at bahagya namang pinamulahan ng pisngi si Kisha kaya..

"Daming sinasabi.. Oh ayan na!!" Sabi ni Kisha at ibinigay na ang bag nya kay Gilbert.

Sus.. Why so obvious bes? Over mag-blush eh.

"Eto po pakibukas nalang po nawala po kasi yung susi ng classroom namin eh." Sabi ng kaklase ko sa guard na may duplicate ng susi sa classroom namin.

Nang mabuksan ang Classroom ay kaagad na bumungad samin ang madilim na loob nito.

Ngunit ang mas nakaagaw pansin saaming lahat ay ang masangsang
na amoy ng classroom namin.

Kaagad kong hinanap ang switch ng Ilaw at nang makapa ko ito ay kaagad ko nang binuksan.

"Oh my god.."

"Eww gross.."

"Sinong may gawa nito?!"

Komento ng mga kaklase ko.

W-what happened here?

Gulo-gulo ang upuan at ang book shelves ay nakatumba..

Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng classroom ganon din naman yung iba kong kaklase.

May bahid ng dugo ang ilan sa mga books pati rin ang sahig...

Saan nanggaling ang mga dugo na 'to?

"Hannah." Biglang tawag ni Kisha sakin. Nilingon ko sya.

"Yung white board..." Sabi ni Kisha.

Bigla kong tinignan ang white board at nang makita ko ito ay nanlaki ang mata ko.

Nakadikit sa white board ang picture naming lahat na magkakaklase. May mga bahid ito ng mga dugo..

Lahat ng mga namatay na naming kaklase ay may marka na 'X' sa gitna mismo ng picture.

Nasa gitna ang picture ko na katabi ni Kisha nasa bandang ibaba namin ang picture nina Gilbert at Tristan sa taas naman namin ay si Victoria at Nicole.

Bahagya kaming nagkatinginan ni Kisha.

"Anong bang gusto mangyari nung Killer?!! B-bakit kailangan nya 'tong gawin?!!" Natatakot ng sigaw ng isa kong kaklase.

"Emosyon.." Narinig kong bulong ni Tristan na nasa likod ko pala.

"Huh?" Tanong ko kay Tristan.

Anong emosyon?

"H-ha? Wala." Sabi nya at yumuko nalang.

"Anong nangyari dito?" Tanong ng isang boses babae kaya tinignan ko kung sino iyon.

Si Ms. Sandra pala...

"Hannah can we talk?" Tanong ni Ms. Sandra sakin.

"Yes, of course." Sabi ko at lumabas na kami ng classroom nang bigla naming makasalubong ang mga kasamang pulis ni Ms. Sandra.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now