Chapter 60

135 11 0
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.





[Third Person's POV]





Walang ibang maririnig sa paligid kundi ang sunod-sunod na pagsabog kung saan nakalagay ang woki-toki.

Marami na rin ang namatay nang dahil sa nangyaring pag-sabog.

Nagkahiwa-hiwalay na rin sina Hannah nang dahil sa mga nagkakagulong mga tao sa paligid nila, na siyang naging sanhi para ma-trapped sila sa iisang lugar kasama ang iba sa mga kaklase nila.

"Damn." Tanging nasabi ni Hannah nang mapagtanto niyang siya na lamang at ang binatang kasama ni Jake ang kasama niya.

"Hindi na dapat kayo pumunta dito." Panenermon nang binata kay Hannah.

"Tss.. Ang tagal mong hindi nagpakita at nagparamdam sakin kaya manahimik ka." Nakakunot ang noong sagot ni Hannah sa binata.

Nakangising lumapit ang binata kay Hannah at..

"I'm always behind of you... At hinding-hindi kita iiwan mag-isa." Pabulong na sabi nang binata kay Hannah dahilan para mapangiti si Hannah dito.




***




"Shit nasaan na si Hannah?!" Nagpa-panic na tanong ni Tristan kay Lucas at Nicole na kasalukuyan niyang kasama ngayon.

"Kagaya mo.. Hindi rin namin alam." Kalmadong sagot sa kanya ni Lucas dahilan para mapahawak si Tristan sa sentido niya.

"Sa tingin ko lahat tayo ay nakatakdang magkahiwa-hiwalay." Sabi ni Nicole habang nakatingin sa TV screen.

Tinignan din ni Lucas ang tinitignan ni Nicole na naging dahilan para mapahigpit ang hawak niya sa kanyang baril.

"Mamamatay na ata tayo dito.." Tanging nasabi ni Tristan nang mapagtanto nitong pinapaligiran na sila nang iba sa mga kaklase nila.





***





"Gilbert." Seryosong tawag ni Jake kay Gilbert.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Gilbert habang nakatingin sa TV screen.

Tinignan din ni Jake ito dahilan para mapabuntong-hininga ito.

Kitang-kita nila ang lahat nang kanilang kasamahan sa iba't-ibang lugar nang party.

"Isang CCTV recording..." Sabi ni Jake. "Para saan?" Naguguluhang tanong nito nang bigla niyang makita sina Ms. Sandra sa ibang recording nang CCTV.

"Jake." Tawag ni Gilbert dito.

"Oh?" Sagot nito at tumingin kay Gilbert.

"Nandito na sila." Sabi ni Gilbert at kaagad na hinanda ang sarili sa paparating na kalaban.

"Mamaya na lang ulit natin isipin kung ano ang ibig sabihin nang CCTV recording.." sabi ni Jake at inilabas ang dalawang pocket knife nito at hinanda na rin ang sarili. "Sa ngayon.. Kailangan nating patayin ang mga taong papatay satin." Sabi ni Jake at sumugod na sa isang lalaki.





***




"B-bakit ganon?! Napatay na natin 'tong isa p-pero buhay pa rin?!" Hinihingal na tanong ni Victoria at sumandal sa likuran ni Kisha.

Sumandal din si Kisha sa likuran ni Victoria nang dahil na rin sa sobrang pagod.

"Unti-unti na akong napapagod. Kung hindi natin sila mauubos, mamamatay tayo." Sabi ni Kisha at sinaksak sa noo ang isang lalaking akmang sasaksakin sana siya.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now