Chapter 22: Papatayin Kita

398 18 1
                                    

[Third Person's POV]

Kasalukuyang nasa parking lot si Nicolas ng bigla syang may nakitang lalaking nakaitim na jacket naka-face mask ito na itim at nakasubrero at nakalagay din sa ulo nito ang ang hood ng jacket nitong itim.

Biglang nakaramdam ng kaba si Nicolas ng makita ang lalaki.

"Yung babaeng matagal mo ng gusto hindi mo ba tutulungan?" Sabi ng lalaki.

"huh?" Takang tanong ni Nicolas.

"May gusto ka kay Kisha.. Hindi ba?" Sabi ng lalaki at kaagad na remehistro sa mukha nito ang isang mala-demonyong ngiti.

'pano nya nalaman? Di kaya...' Sabi ni Nicolas sa kanyang isipan.

"Lance Ikaw ba yan?" Tanong ni Nicolas sa lalaki.

"Magaling nahulaan mo kaagad iyon?" Sabi ng lalaki habang nakangisi.

"Haynako pinakaba mo ko dun ah! Bat kasi ganyan suot mo pre? Mukha kang killer.." Sabi ni Nicolas.

"Mamaya Ikaw na ang mag-mumukhang killer.." Sabi nito kay Nicolas.

'Kaboses nya naman si Lance kaya imposibleng hindi sya ang kaibigan ko... Pero bakit parang may kakaiba sa kanya?' Sabi ni Nicolas sa kanyang isipan.

"What do you mean?" Tanong ni Nicolas sa lalaki.

"Nanganganib ang buhay ni Kisha ngayon kaya pumunta ka na sa Science Laboratory... Bago pa mahuli ang lahat." Sabi ng lalaki kay Nicolas kaya kaagad na tumakbo si Nicolas papunta sa Science Lab ng kanilang school.

Nang makarating sya sa tapat ng Science Laboratory ay kaagad nyang narinig ang boses ni Kisha sa loob.

"Wag mong idamay ang kaibigan ko dito Candice! Kung galit ka sakin Edi sakin mo ibuhos lahat yan! Wag mong idamay si Hannah dito dahil kahit na kailan walang ginawa sayong masama si Hannah!" Galit na sabi ni Kisha kaya nanlaki ang mata ni Nicolas at sumilip sa may bintana.

Nakita nya si Kisha.. Pero ng makita ni Nicolas si Candice ay kaagad na bumilis ang paghinga nito.. Kitang-kita ni Nicolas ang hawak ni Candice na kutsilyo kaya kaagad na hinawakan ni Nicolas ang pocket knife nya sa loob ng bulsa ng pantalon nya.. Nanginginig ang mga kamay at nanlalaki ang mata ni Nicolas habang nakasilip sa may loob ng Science Laboratory.

"Don't worry Kisha.. Yun naman talaga ang ipinunta ko dito eh.. Ang ibuhos ang galit ko sayo at patahimikin ka na rin habang buhay." Sabi ni Candice kaya inilabas na ni Nicolas ang pocket knife nya sa bulsa nya.

"Die." Sabi ni Candice kay Kisha at kaagad na sinugod si Kisha. Kaya nang tatakbo na papasok si Nicolas sa Science Laboratory bigla Itong may narinig na nagsalita.

"Sinabi ko lang na puntahan mo sya hindi ko sinabing tulangan mo sya." Sabi ng lalaking kausap ni Nicolas kanina.

"Lance alam mo pa ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Nicolas sa lalaki.

"Ikaw? Naintindihan mo ba ang sinabi ko?" Sabi nito kay Nicolas.

"Hindi mo sya pwedeng tulungan.. Sa larong toh sarili mo lang ang kakampi mo." Sabi ng lalaki. Napatingin si Nicolas sa loob ng Science Laboratory matapos sabihin iyon ng lalaki sa kanya.

"I-I'm S-s-sorry.." sabi ni Kisha at kasabay nun ang pagbitaw nito sa kutsilyong hawak nya..

***

"Luh? Kailangan ko 'tong gawin noh kundi tuluyan nang masisira ang imahe ko sa lahat." Sabi ng isang babaeng nagngangalang Trixie

("Ikuha mo na rin ako Trixie! You know? Kailangan nating mataasan si Hannah at Kisha sa ranking.")

"Ikaw ang kumuha mismo dito sa Science Laboratory! Langya ka. Ako nagpapakahirap na hanapin yung mga sagot sa exam natin tapos ikaw magpapakuha lang?!" Sabi ni Trixie.

("Eh Dali na! Next week na ang exam natin kaya ikuha mo na ako! O di kaya yung test paper nalang ang ibigay mo sakin ise-search ko na lang lahat yun para alam ko lahat ng sagot!") sabi ng kausap ni Trixie sa kabilang linya.

"Oo na, oo na ikukuha nalang kita ng test paper at ako naman ay yung sagot sa exam ang Kukunin ko.. Hmm pati na rin pala yung test paper Kukunin ko." Sabi ni Trixie at in-end na yung call.

Nang marinig ni Nicolas na may paparating ay kaagad Itong nagtago para hindi sya makita.

Nang tumapat sa may bintana si Trixie ay kaagad syang sumilip para makita kung may teacher o Ibang tao sa loob ng Science Laboratory..

Ngunit nanlaki kaagad ang mata nya ng makita nya si Kisha na isinisilid sa may cabinet ang katawan ni Candice kaya nanginginig ang kamay nyang kinuha sa bulsa ang phone nya. At nang tatawagan na sana nya yung pulis ay kaagad syang may naramdamang malamig na bagay sa leeg nya.

Tinignan nya ito at bigla syang kinabahan ng malaman nyang pocket knife ang nakatapat sa may leeg nya.

"Kalimutan mo ang nakita mo." Pabulong na sabi ni Nicolas.

"N-nicolas? Bakit?" Kinakabahang tanong ni Trixie.

"Huwag na huwag kang magkakamali na ipagsabi sa iba ang nakita mo.. Kasi once na sabihin mo yan sa iba.." Sabi ni Nicolas at mas lalo pang idiniin ang pocket knife na hawak nya sa leeg ni Trixie.

"Papatayin kita." Walang kaemo-emosyong sabi ni Nicolas kay Trixie.

"Hahayaan pa kitang mabuhay kung mananahimik ka. Pero kung hindi mo kayang manahimik.. Ako na ang magpapatahimik sayo ng pang habang buhay." Sabi ni Nicolas at tinanggal na ang pagkakatutok ng pocket knife sa leeg ni Trixie.

Nakahinga naman ng maluwag si Trixie nang pakawalan sya ni Nicolas.

"H-hindi ko toh ipagsasabi sa iba.." Sabi ni Trixie at kaagad na tumakbo papalayo sa Science Laboratory..

Napangiti naman si Nicolas sa hindi malamang dahilan at sa huling pagkakataon ay tinignan nya si Kisha sa loob ng Science Laboratory.

Abala pa rin ito sa pagpapasok ng katawan ni Candice sa loob ng cabinet.

'Mali man sa paningin ng iba ang ginawa ko kanina, wala na kong pake.. Papatayin ko ang sinomang mag-tangkang sirain ka Kisha.. Ganon.. Ganon kita kamahal.'  Sabi ni Nicolas sa kanyang isipan at pagkatapos ay umalis na, na parang walang nangyari.

Sakto namang naipasok na ni Kisha ang katawan ni Candice sa cabinet kaya lumabas na ito sa Science Laboratory at dumeretcho sa Comfort Room ng mga babae.

...
...

A/N: wew😂 pano ba yan? Malapit ng mag-pasukan meaning magiging busy na ko sa ibang bagay😔 at dahil sa magiging busy na ko sa ibang bagay medyo magiging slow na ko sa pag-update nitong story ko.. Well medyo lang naman. Guys! Isali ko kaya itong story ko na toh sa Wattys 2017? What do you think guys? May nababalitaan kasi akong malapit na daw ang Wattys 2017 kaya napag-isip isip ko na bakit hindi ko sya isali right? Wala namang mawawala.. Well bahala na😂😂

End of Chapter 22: Papatayin Kita

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameOnde histórias criam vida. Descubra agora