1.Meet my disgusting Brother

1.6K 54 13
                                    

Book Apart

written by Shannon
~

Ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone ko. Umaasang may magic na makakapagpabago sa mga letrang nakasulat dito. Pero wala talagang nangyayari, hindi na talaga magbabago ang desisyon ni Papa!

From: Papa💕

"Sa probinsya kayo magbabakasyon ng kapatid mo. Your Lola misses the both of you. Enjoy sweetheart!"

Binasa ko ulit ang text ni Papa kagabi at napabuntong hininga.

I am annoyed actually dahil kailangan ko pang sumama sa bakasyong ito. Province's atmosphere isn't my type, mas gusto ko pa dito sa Manila at mag mall araw araw. Pero dahil wala naman akong choice ay napilitan akong magpack ng mga gamit ko sa maleta.

"Chi!"

"Ano!? may problema ka na naman!?" Hindi ko na maitago ang inis dahil nga sa bakasyon na 'to, plus kasama ko pa ang kapatid kong si Iñigo na nakadungaw sa pinto ko.

Kapag nakikita ko ang mukha nya, gusto ko na hampasin yun ng napakalakas. Tsk! Sya rin kasi ang nag insist na doon kami magbakasyon, ewan ko kung anong pumasok sa utak nya para maisipang pumunta sa probinsya.

"Dalian mo dyan!! pabebe ka talaga"aniya.

Babatuhin ko sana sya ng unan ngunit sinara nya agad yung pinto.

"peste ka Iñigo"naibulong ko nalang.

Hobby na talaga ng kapatid ko na bwisitin ang araw ko. Kaya nga palagi kaming nagsusungitan nyan, aso't pusa kami sa bahay. Paano'y kung umasta ay parang mas matanda pa sakin.

"Chichi!!"

"Oo nandyan na nga!" Iritang sigaw ko.

Iñigo Mikael Zarfonso! Nakakainis ka talagang kapatid!

"Haist! 2 years ang tanda ko sa kanya bakit ganyan sya umasta!? Ni matawag akong ate hindi nya magawa!" Inis na bulong ko.

Inayos ko ang buhok ko. I smiled as I look at myself on the mirror. Kamukhang kamukha ko daw kasi si mommy noong bata pa sya. Sayang lang at nasa heaven na sya, she passed away ng ipanganak si Iñigo, hindi nya nakayanan ang panganganak.

Hindi na nag asawa si papa, maganda ang mama ko kaya dead over heels parin sa kanya si Papa, at isa pa mahal na mahal nya yun kaya kahit kailan ay hindi na sya tumingin pa sa ibang babae.

"Illiannah Mitchi Zarfonso! Ano ba!?" Tawag ulit ng leche kong kapatid.

Kainis talaga sya! Kailangan i-mention nya ang buong pangalan ko!?

"Heto na! Maghintay ka leche!" dahil sa irita ko, ni half pony ko nalang ang buhok kong hanggang bewang.

Bayaan mo na nga, maganda naman ang pagkakakulot nito kaya hindi naman ako mukhang bruha.

Bumaba ako sa hagdan bitbit ang backpack ko, nakita ko ang kapatid ko na nakakunot ang noo at nakatingin sakin.

"Anong mukha yan? ang panget mo"pagtataray ko ng makababa.

Nakatingala pa ako sa kanya dahil mas matangkad sya sakin, nagmukha tuloy na ako ang mas bata saming dalawa.

"Ang iksi ng suot mo"pagtataray din nya.

Napatingin ako sa sarili ko. nakasuot kasi ako ng maong short at black sando. Hindi naman talaga ako ganito manamit pero kasalanan kasi yun ng mainit na panahon.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon