26.Ruined Date

396 32 9
                                    


"aba..bihis na bihis ang babae ah..saan ang punta?" sabi ni Belle na nanonood.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya kasi nasungitan ko sya kahapon.Hindi manlang ba sya nagalit dahil sa attitude ko kahapon?

"uhh..s..sa Fountain"

"Hindi ka magla lunch dito?"

"okay lang ba?" tumayo naman sya bigla at inakbayan.

"Oo naman. Ano ka ba wag ka nga mailang! wag mo na intindihin yung kahapon, I'm sorry"sabi nya ng nakangiti.

"Sorry ah."

"I understand, sige na baka mahuli ka pa sa lakad mo"

"thanks.."

Lumabas na ako ng bahay habang nakahawak sa strap ng shoulder bag ko kung saan nakalagay si Book.

Medyo late na ata ako. Pero pagdating ko dun wala padin si Prince Khallie.

Wow ang galing ah? uso din filipino time dito.

nagring ang phone ko kaya sinagot ko yung tumawag.

"hello--"

[where the hell are you!?]

teka? Bakit galit agad tong si Prince Khallie!?! Hala siguro matagal na syang naghihintay dito.tsk!

Sabagay Prinsipe nga pala sya kaya dapat hindi pinaghihintay. bobo mo Chichi. =.=

"uhh..n..nandito na ako---"

[Haist.Nevermind, nakita na kita]

teka? ang gwapo ng boses ni Prince Khallie sa phone. haha! SKL. charot.

tsaka ang sungit nya ah? Akala ko pa naman mabait sya.

"There you are, kanina pa ako dito"

napatingin ako sa likod ko at medyo nagulat ng makita ko si Sean na nasa harap ko at may phone sa tenga nya.

"S..Sean?"

"Ba't parang nakakita ka ng multo?"taas kilay nyang tanong.

narinig ko yung sinabi nya sa phone na hawak ko. Ehh!??? sya yung tumatawag!?

"W..what are you doing here?"

naguguluhan ako, sya yung kausap ko sa phone!? at hinahantay nya ako dito!? diba si Prince Khallie dapat yung ka meeting ko ngayon!?

"to meet you, ano pa ba? we'll eat lunch right?"nakangiwi nyang sabi at binaba na ang phone. kaya binaba ko rin yung akin.

teka?! kailan nya sinabi!? akala ko ba si Prince Khallie yung katext ko kagabi!?!?

"l..lunch? tayong dalawa?"

"yeah. diba sinabi ko sayo kagabi? I've texted you"

"t..talaga?"

Diba si Prince Khallie yung kausap ko kagabi!? tsaka pano nya nalaman yung number ko!?

"ano ba Chi? hindi mo natandaan?"

"H..ha? a..ano kasi---"

"Bakit may iba ka bang katagpuan dito?"nakasimangot nyang tanong.

"Uhh..k..kasi---"

"Illiannah!!" napatigil ako at napatingin kay Prince Khallie na bihis na bihis at lumapit sa direksyon ko, pero kasama nya rin pala si Merielle.

"P..Prince Khallie"

"sorry I'm late, may tinapos pa kasi ako eh"

Si Prince Khallie nga ang ka text ko kagabi!! Pero bakit sinasabi ni Sean na tinext nya ako?


✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon