7. Intruding techniques

540 37 7
                                    

Napamulat ang mata ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw.

Tinanghali ata ako ng gising, hindi ko napansin na nakatulog agad ako ng makauwi kahapon.

"Good morning Chichi"

"Ay dagang kulot!!"

Napatago agad ako sa kumot ng may narinig akong lalaking nagsalita.

Sino yun!? Multo!?

"Sino ka!? Anong kailangan mo!? Bakit ka nagpaparamdam!?" kinakabahang sabi ko at napalinga linga sa paligid.

Wala namang tao? Pero bakit may nagsasalita?

"Relax lang..wag kang kabahan.."

"Ehh!! M..may multo sa bahay na to!? ba't di manlang sinabi sakin ni Belle!?"bulong ko.

"Hindi ako multo no!"

"Kung ganun sino ka!? Nasaan ka!?"

"nasa tabi mo ko"

Bigla akong kinilabutan ng sabihin nya yun. S..sa tabi ko?

Tumingin ako sa kanan, pero wala naman!

"Dito ako sa kabila, sa kaliwa"

tumingin ako sa kaliwa pero wala namang tao! Saan galing yun!?

"S..saan?"

"Ano ka ba! Nandito ako no!!"

Nanlaki ang mata ko ng mapatingin sa librong nasa secret library.

Wait a minute.. N..nag salita ba ang librong yan?

Medyo nilapit ko ang mukha ko para makasiguro. Hindi pa naman siguro ako nababaliw no? Walang nagsasalitang libro Chi!! Haha!! nababaliw kana kung meron!

"Hello?"mahinang sabi ko

"HI!!"

Ngayon baliw na ako.

"aakk--"

magsasalita pa sana ako kaso wala ng lumabas sa bibig ko dahil sa shock!

Nagsasalitang LIBRO!!!! What the heck!?!

"Okay, alam ko nakakagulat pero pwede pakisara ng bibig mo? may morning breath ka pa eh"

Napasara ang bibig ko at medyo inamoy ang hininga ko, di naman masyado eh!

Pero gulat parin ako dahil nagsasalita ang isang libro! Bumubukas pa ang pages nya kapag nagsasalita. Hindi ako makapaniwalang masasaksihan ko ang ganitong scenario sa buhay ko!

"N..nagsasalita ka?"

"Di ba halata?"pilosopong sagot nito.

"P..papano?"

"Papaano? malay ko, basta wag mo ng ungkatin ang nakaraan! past is past!!"

wow? may ganun?

"B..bakit ngayon ka lang nagsalita? N..nung nakaraan hindi?"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon