5.We ran away

620 41 8
                                    

Isang napakagandang umaga, sa palasyo ng Miroianah. Isang hindi ordinaryong senaryo na naman ang matutunghayan sa syudad. Ang prinsipeng palagi nalang tumatakas sa palasyo ay wala humpay sa pagtakbo dahil sa mga kawal na humahabol sa kaniya. At sa paulit ulit na senaryong ito ay paulit ulit rin siyang nahuhuli at pinaparusahan.

Nakatulala ako sa pahina ng libro. Hindi ko alam kung paano gagawin ang pateng ito.

Prince? Kung ganun kailangan ko pa maghanap ng prinsipe at ipahuli sa mga kawal!?

Madali sanang basahin ang parteng ito pero paano ko naman gagawin yun!? Pwede bang mag story telling nalang ako?

"Hey.. chi!" nakita ko si Belle na bihis na bihis at may malaking bag.
Para syang mag ka-camping sa dala nya.

"Are you going somewhere?"tanong ko.

"yes! nakalimutan kong sabihin, Every weekend lang ako umuuwi dito, kasama ko si Leondre sa mga trip, Pumupunta kami sa iba't ibang lugar para makakuha ng magagandang shots ng wonders of miroianah"

"Huh? para saan?"

"It's my our job Chi.. Basta! Ang bilin ko lang... alagaan mo ang bahay ko ah?"

"oo naman.. Makakaasa ka"

"Thanks.. and goodluck pala sayo at eto phone, tawagan mo ko pag may kailangan ka"sabi nya at binato sakin ang phone na may tatak na strawberry.

Muntik ko pa ngang hindi masalo.

"Strawberry phone? Seryoso?"natatawa kong sabi.

Nakakatuwa na strawberry phone dito at may apple sa reality world! haha!

"vphone yan,class A, pinaka mahal pa yan at latest"pagmamayabang nya.

Napanganga ako sa sinabi nya, hindi ko akalaing sa mundong ito ay may cellphone din.

Bigyan ng award ang phone na to!

Bumaba na sya ng hagdan pero hinarang ko agad sya dahil may kailangan pa akong itanong. Sadyang hindi pa kasi malinaw ang mga nakasulat sa librong ito.

"Oh wait! may itatanong ako! Sino yung Prinsipe na sinasabi dito!? sya ba ang bida sa kwento!?Hindi ko to kilala!"

"Pasensya na pero walang nakakakila sa prinsipe.  Hindi ko pa sya nakikita. Pero kung gusto mo, nasa dulo nitong city ang bridge papunta sa palasyo nila... Kaso mag iingat ka, medyo maraming bantay dun"

"Ganun? May pa misteryoso effect pa? Papaano naman ako makakalapit sa isang maharlika?" Namomoblema kong sabi.

Kung tutuusin para lang akong langgam sa mundong ito! Sobrang liit ko at siguradong hindi ako makakalapit sa mga royals!

Nagkibit balikat naman si Belle kaya lalo akong namroblema. Grabe ang laki ng naitulong nya.

"wala tayong magagawa, yun ang nakasulat eh, o sige bye bye na!"

Umalis na si Belle kaya ako ay naupo ulit sa sofa.

Kailangan matapos ko na agad ang librong to, kung hindi baka malagot na ako pag uwi sa bahay!

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon