53.Got Home

377 27 9
                                    

Napamulat ang mata ko at huminga ng sobrang lalim na para bang ito ang unang pagkakataong nakalanghap ako ng hangin mula sa mundo ng reyalidad.

Amoy pahina ng libro, nasa library na ulit ako. Sa wakas....

nakauwi na ako...

Ganun parin ang posisyon ko----nakaupo at nakasandal sa bookshelf. Nakapatong parin ang mahiwagang libro sa lap ko.

Yung librong nagdala sakin sa mundo kung saan umibig ako sa unang pagkakataon.

Agad na umagos ang luha ko ng maalala ko yung nangyari sakin sa loob ng librong yun.

At si Sean... hindi ko na sya makikita kahit kailan.

Nagulat ako ng makita yung singsing ko nung kasal namin. Hindi talaga panaginip yung lahat... totoo yun lahat. Ang singsing na ito ang patunay.

Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak, hindi ko akalaing mas masakit pala ang mararamdaman ko pag nakauwi na talaga ako. Namimiss ko na agad sya.

"Chi! There you are...kanina pa kita hinahan--"

"Iñigo!!"agad kong niyakap si Iñigo ng makita ko sya.
Namiss ko ang masungit kong kapatid.

"Eh? why? what happened?"

umiling iling nalang ako at niyakap sya ng mahigpit.

"namiss lang kita.."

"huh? anong nakain mo ha?" humiwalay sya sakin at pinuna ang pagmumukha ko.

"at bakit ka umiiyak? ang panget mo infairness--aray!!" binatukan ko sya agad. Kasi naman nangaasar na naman sya. Pero napagaan nun ng kaunti ang nararamdaman ko.

"leche ka talaga, pero promise namiss talaga kita.." aakmang yayakapin ko ulit sya pero tinulak nya agad ang noo ko gamit ang hintuturo nya.

"Miss miss ka dyan.. may nangyari ba? bakit nandito ka? don't tell me you slept here?"

"exactly at hindi ka maniniwala kung anong nangyari sakin"

"kaya pala, siguro binasa mo yung librong pinakita ko sayo kahapon, haist.. desperada ka talaga----Ouch!! pangalawa na yan ah!!" napakamot sya sa ulo nya dahil kinutusan ko.

Napaka ewan nyang kapatid kahit kailan.

"Hindi ko yun binasa at pwede ba seryoso ako... etong librong to, nakapasok ako sa loob nito!" sabi ko at pinakita sa kanya yung libro.

tinitigan nya ako ng ilang segundo pagkatapos...

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" lumagapak sya sa tawa. Haist. ano pa bang aasahan ko?

"anong nakakatawa!?" inis na sabi ko.

"ang ganda ng panaginip mo, tara na gutom lang yan..." tinapik nya ako at umalis agad.

Napangiwi ako at umirap sa kanya. Bakit ko nga ba kasi sinabi yun? sino bang maniniwala sa napaka imposibleng pangyayari pero totoo.

"Dalian mo na Chi!!" sigaw ni Iñigo.

"oo na!!"

tinignan ko ulit yung singsing ko at napangiti ng maliit.

"Hindi panaginip lahat ng yun.."bulong ko at sumunod na kay Iñigo.

Pagkatapos ng napakahabang gabi ng pamamalagi ko sa libray na yun, sinubukan kong umakto ng normal.

Pero aaminin kong minsan umiiyak ako lalo na pag gabi at naiisip ko si Sean.

Siguro nga hanggang dun nalang kaming dalawa, siguro isang pagkakamali lang na mahalin ko sya. Pero kahit kailan hindi ko yun pagsisisihan dahil yun ang pinakamagandang bagay na naramdaman ko sa buong buhay ko.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon