40.TinkerShane

372 23 4
                                    

Magkatabi kami ni Sean sa sala habang nanonood ng t.v. Nakaakbay siya sakin at ako ay nakayakap sa kanya habang sinusuklay niya ang buhok ko ng marahan.

Ganito na ang sumunod na eksena matapos ang paghahalikan namin kanina.

Naramdaman ko ang paghalik ni Sean sa ulo ko. Napatingin ako sa kanya at pareho kaming ngumiti sa isa't isa.

"I love you Ponpon"saad niya.

"Ponpon?"

"My endearment for you"kinindatan niya ako. Natawa naman ako.

"I love you too"sagot ko. Hinalikan na naman niya ako bigla.

For the first time I become selfish, kahit na alam kong nakatakda si Merielle para sa kanya ay isinantabi ko parin yun. Sinunod ko ang puso ko at piniling sumaya at nangakong babaunin yun sa pag uwi ko.

Sean and I both agreed to be together. Susulitin namin ang oras na magkasama habang nandito pa ako sa mundo niya.

*flashback*

Muli akong siniil ni Sean ng halik at tumugon naman ako. Hindi ko na napigilan pa ang damdamin ko.

Ilang minutong nagtagal ang halik na iyon bago siya humiwalay at tinitigan ako habang nakangiti.

"My heart is pounding hard with joy Chi. Napakasaya ko ngayon"he said.

"P..pero kung ipagpapatuloy natin 'to, hindi rin magtatagal ay kailangan nating maghiwalay. S..Sean, I need to go home"malungkot na saad ko.

Ngumiti siya ng maliit at hinaplos ang pisngi ko.

"I kknow. Of course I will help you. I love you Chi and I am willing to help for the best of you. But please... let me be with you, let me have your remaining time in this word"pakiusap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Minsan lang ako makaramdam ng ganitong saya. Ayokong mawalan ng pagkakataon na hindi ko manlang naipakita sayo kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sayo"

I look at him fondly and touch his cheek. I am so touch, akala ko ay magiging makasarili siya at hindi ako tutulungan na makauwi sa totoong mundo ko.

"Thank you Sean. I love you"

***end of flashback***

"As possible as we can, wag muna nating isipin na maghihiwalay tayo. Basta let's enjoy our moment and love each other to the fullest"

"Why am I so lucky to be love by you? Sean... you're too perfect"

"Am I?" Papalapit ng papalapit na naman ang mukha niya sa akin hanggang sa muli na naman niyang inangkin ang aking labi.

Hindi ko alam kung ilang beses na ito ngunit hindi nababawasan bagkus ay mas nadaragdagan pa ang kilig at saya ko sa bawat paglalapat ng labi namin sa isa't isa.

Marahan lang ang pagdampi niya at patikwis-tikwis ang kanyang ulo habang hinahalikan ko. He gave me a little sweet kisses over my lips. Ako naman ay nakangiti lang at sinasalubong ang mararahan niyang halik.

"MAMA!PAPA!"

Pareho kaming napahiwalay ni Sean at tumingin sa pinto. Nagulat kami ng makita si Shane kasama ang mga magulang ni Sean.

"Mom!? Dad!?"

"Ah..eh.. anak kasi itong si Shane eh, kinukulit kami na puntahan daw ang Mama niya. Hindi naman namin alam na ganito ang madadatnan namin" may panunuksong saad ng Reyna.

Nakaramdam ako ng hiya at namula agad ang mukha ko sa sinabi niya. Sino bang hindi mahihiya? Nahuli kaya kami ng parents niyang naghahalikan!

"Y..you should have knock first! Hindi yung basta nalang kayo pumapasok" inis na sabi ni Sean ngunit may bahid ng hiya.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon