46.Who's getting marry?

339 22 7
                                    

Naihatid naman ako ni Sean ng matiwasay, magkaholding hands pa kami ng pumasok sa bahay.

Mabilis lang naman ang biyahe dahil nagkukwentuhan kami habang nakasakay sa kabayo.

"I'll call you later huh? Sagot agad, wag mong patagalin"bilin nya sakin ng makapasok kami sa bahay.

"Oo na po mahal na prinsipe.."sabi ko at ngumiti. He also smile and touch my chin. Marahan nya akong hinalikan ng ilang segudo ng maramdaman naming may nahulog na bagay.

Pareho kaming napatingin ni Sean kay Belle na nakatayo sa pinto ng kusina at kaunting nakanganga ang bibig.

"B..Belle?"

nakauwi na pala sya. Ngumisi sya sakin bigla at umiwas ng tingin.

"I'll go now.." bulong sakin ni Sean at sumulyap ulit kay Belle na ikinikiskis ang paa nya sa tiles ng sahig at nagpapatay malisya kuno na walang nakita.

Umalis na si Sean at humarap naman ako kay Belle na nakangisi parin.

"So... what's that? Kayo na? "Tanong nya.

Tumungo nalang ako at hindi nagsalita.

"Since when?"

"Since the day you told me to. Sorry nga pala sa nasabi ko sayo nun.." hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at humingi agad ng tawad sa kanya.

alam kong masakit yung nasabi ko sa kanya ng araw nayun.

"Forget about that, I'm happy for you" niyakap nya ako ng mahigpit.

"I'm actually glad ng sundin mo ko pero napaisip ako bigla na tama ka din naman, At kung magkamali ka man sa desisyon mo ngayon, I consider myself as part of your mistakes, I'm sorry"

"This is my own decision, I'll take whatever consequences it will give to me"

Masaya naman ako dahil nagkaayos na kami ni Belle, although alam kong may part na nasaktan ko talaga ang ego nya nung nakaraan pero ang bait nya parin.

Pagdating ko sa kwarto at naestatwa ako ng makita si book na nakahiga sa kama ko at hawak ang libro.

Hindi ko alam kung bakit may strange feeling na naman akong naramdaman, ibang iba pala atmosphere kapag nandyan talaga sya.

"Hello, lover girl?"halatang wala syang gana at parang pinilit nya pang batiin ako.

"Paano ka nakapasok?"

"No need to know, ang mahalaga ngayon ay gawin mo na ang kahuli hulihang part na gagawin mo" ngumiti sya at parang nasasabik sa mga katagang sinabi nya.

ganun ba sya kasaya na matatapos na ang libro?

Pinakita nya ang libro pero hindi ko yun mabasa dahil malayo pa ako sa kanya.

Agad akong nag alinlangan, halos isang linggo ko palang nakakasama si Sean, isang linggo ko palang nararamdaman ang saya kasama sya at ngayon may kung anong pumipigil sakin na wag tignan ang nakasulat sa libro.

"At last, the book already gave the last part, or should we say the ending of the story... Hindi ko alam kung anong ginawa mo para ikonsidera lahat ng libro ang mga pag ganap mo but I admire you about that"

"Sino ka ba talaga? At bakit.. bakit ka nandito?"

"Look.. just don't make yourself pre-occupied with so many questions, gawin mo nalang ang part pwede?"naging masungit na naman sya. Pero hindi ko parin maintindihan! Diba sya ang may kontrol sa book!?

"Sino ka ba talaga?" Medyo dumilim ang mukha nya ng itanong ko yun. Tumayo sya bigla at naglakad papalapit sakin.

"Just do the part and leave this world as soon as possible at oo nga pala, the ending indicate Merielle's name so it should be her to play the role and not you"medyo inis ang tono nya at lumabas ng kwarto.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon