14.The Book's Warning

419 31 5
                                    

"Kyah! May bago na naman syang sulat! nako.. napaka sweet pala talaga ni Prince Sean.. pero bakit kaya hanggang ngayon hindi parin sya pumupunta dito?"tuwang tuwang sabi ni Merielle habang hawak ang bagong sulat na natanggap nya.

"Grounded kasi sya ng two weeks, dahil sa kakatakas para lang ma istalk ka, anyway matatapos narin naman yun kaya magkikita narin kayo"sambit ko. Mag t-two weeks narin naman, Free na si Sean na lumabas labas sa palasyo.

Nakita ko naman na nagblush si Merielle at tinignan ulit ang sulat nya.

Hindi ako ang nagdeliver nyan. Ang totoo, si Kuya Lars na ang nagpapadala ng mga sulat kay Merielle.

Malay ko ba kung bakit ayaw na sakin ipadala ni Sean. Hindi ba mukhang katiwa tiwala ang magandang mukha ko!? Haist!

"Maraming salamat sayo Chichi! Alam mo? kung hindi dahil sayo, hindi ko sya makikilala!"

"Nako don't mention it!! kailangan ko talagang gawin yun"

Kailangan ko naman talaga silang ipaglapit eh, kasi yun ang sabi ni talking book.

Kung yun ang way para makauwi, gagawin ko talaga!! Duh.. lagpas isang linggo na ako dito and I'm sure aligaga na si Iñigo at lola kakahanap sakin!! Kailangan ko ng umuwi!!

"Kung ganun ikaw ang kupido naming dalawa? hahaha!!"

Cupid!? Ako pa yung Cupid tapos wala din akong lovelife!! haist! Ang malas kong Cupid.

"Haha! Mukhang ganun na nga!"

Nasa fountain kami ni Merielle, Nakita nya kasi akong naglilibot dito kaya nakapag usap kami.

Dun ko rin nalaman na nagpapadala na pala si Sean ng sulat sa kanya ng hindi ko alam.

bakit kailangan mo bang malaman?

well hindi naman kailangan pero diba sabi ko ako nga ang magtutulay sa kanila!? bakit hindi nya sakin pinagkatiwala ang pagbibigay ng sulat!?Tsk!!

Mabuti nalang at natapos ang part na yun sa libro, Na accomplish ko na kasi yung part na yun pero di ko alam na magtutuloy tuloy pala ang pagpapalitan nila ng sulat.

Haist. Hanggang kailan sila ganyan?

Sa ngayon wala pang sinasabi ang libro na susunod na step. Ano naman kaya ang susunod?

"Chichi? Huy.. nakikinig ka ba?"

"Ha?"

"Mukhang may naiisip ka?"

"Uhh.. wala naman.."

"nabo bore ka ba? pasensya na puro ako nalang ang dumadaldal satin, Natutuwa lang kasi ako.."

"H..hindi!! ayos lang!! Ang totoo nyan kailangan ko din naman malaman ang status ng lovelife mo"

"Huh?"

"W..wala! hehe.. O sige.. mag gagabi na pala! Baka hanapin ka na naman ng mga ate mo at pagalitan ka pa"

"Ay! Oo nga pala!! salamat sa pagpapaalala! Mauuna na ako! Bye!"

Tumakbo na si Merielle tangay ang basket nya.

Nag aalala ako kay Merielle dahil sa mga ate nya.

Nalaman ko kasi na ulilang lubos na sila Merielle. Kasama nya ang apat na ate nya sa bahay. or should I say, half-sisters nya sa tatay.

Anak kasi sya sa labas at medyo in bad-terms sila ng mga ate nya dahil bukod sa sya ang pinaka maganda ay sya pa ang pinaka favorite ng tatay nila.

Hindi naman nakapagtataka na sya ang favorite dahil mga hipokrita naman ang mga kapatid nya, at sya ang pinaka makabait. Feeling ko tuloy sya si Cinderella!

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon