43.Quarrel

306 20 1
                                    


"What the hell!?!?"inis na sigaw ko sa lalaking umagaw sa goblet ko.

"Bakit ka umiinom!?!?"galit na galit nyang sabi. Dun ko lang narealize na si Sean pala yun.

"Eh anong pake mo!? tss.. Jack tara sayaw nalang tayo---"

"At sinong tong lalaking to ha!? Bakit ka nakikipagusap sa ibang lalaki!?!?" nakakunot na ang noo nya.

"Bakit!? tao ako at kailangan kong makipag socialize!"

dumilim ang paningin nya sakin at mahigpit akong hinawakan sa braso.

"Let's go"matigas nyang sabi.

"Eh ayoko!! dito lang ako!!"pumilas ako pero masyado syang malakas at hindi ako binibitawan.

"Teka pare bago ka magalit sino ka ba? at bakit sobra ka makaasta sa kanya? Nasasaktan yun tao" taas kilay na tanong ni Jack at tumayo narin at humarang samin.

"Oo nga! Kung makaasta ka feeling boyfriend ka! Magkaibigan lang naman tayo!!"inis na sabi ko.

Tinitigan nya ako ng ilang segundo at napabuntong hininga.

"Let's go Chi---" Hinawakan nya ang braso ko pero pumiglas agad ako.

"Ano ba!?!? Sinabing ayoko nga!!"sigaw ko.

"Maglalakad ka o bubuhatin pa kita!?"napasigaw na sya kaya yung iba nakatingin na samin.

"Ano ba pare? Wag mong pilitin kung ayaw!"sabat ni Jack at hinila ako papunta sa kanya.

Tuluyan ng uminit ang ulo ni Sean at tinulak na si jack.

"BACK OFF DUDE!! WAG KANG MAKIELAM SAMIN NG GIRLFRIEND KO!!"inis na sigaw nya.

Napatigil na tuloy yung iba at napatingin samin, haist. Ayoko ng atensyon.

"Sino ka ba sa inaakala mo!?!?"inis na sigaw ni Jack.

"Ako!?!? I'm Prince Sean, the crown prince of Miroianah!! at walang sinumang ang pwedeng humawak sa babaeng yan kundi ako lang!! So back the fvcking off!" agad syang lumapit sakin at binuhat ako ng pangkasal.

"Ano ba! put me down!!"nagpupumiglas ako pero ayaw nya akong bitawan.

"Jack tulungan mo ko!!" Tinignan ko si Jack na medyo tulala at walang nagawa kundi ang tumayo lang.

Pati yung mga tao hinayaan lang kami hanggang sa makalabas kami ng building.

Alam ko kung bakit, dahil nagpakilala syang prinsipe. No one will dare to stop him.

Nanahimik nalang ako ng mapagod kakapiglas sa kanya. Nakarating kami sa tapat ng mansyon at dun nya ako binaba.

"Chi----"Magsasalita palang sya ay naglakad na agad ako papasok sa mansyon.

Ayokong marinig ang sasabihin nya.

Nakasalubong ko si Tintin na may dala dalang supot.

"Tin saan ang kwarto ko?"

"Uhh.. sa 3rd floor 2nd room ate"

"salamat" dire diretso ako sa kwarto pero narinig ko rin na may nakasunod sakin.

Sino pa ba? edi si Sean.

"Chichi----"

"don't talk to me"

"I'm sorry okay? hindi mo kasi naiintindihan.."

Anong hindi naiintindihan?! Ang alin?! Ang pagpapakilala nya sakin bilang kaibigan sa harap ng Minie na yun?! Malamang eh girlfriend nya ako tapos sasabihin nyang kaibigan nya ako na walang dahilan!?!?Ang sakit kaya nun sa damdamin tapos ngayon sasabihin nya na hindi ko naiintindihan?!

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon