31.Everything has Changed

369 26 16
                                    

KATAHIMIKAN ang bumalot saming dalawa ni Sean habang naglalakad.

Hindi ko din naman kasi alam ang sasabihin sa kanya. Sumulyap ako sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa daan habang nakapamulsa.

He's so damn cool...

Napayuko nalang ako ng maalala ulit yung kanina at medyo napapikit dahil nagiging emotional na naman ako at gusto na namang umiyak ng mata ko.

"Damn it! Silence fvcking kills me"inis na sabi ni Sean kaya napatingin ako sa kanya.

"Please talk Chichi, I can't stand without you talking to me.."sabi nya at tumingin sakin.

Agad akong nakaramdam ng palpitation. Tumingin lang naman sya sakin bakit nag palpitate ako agad?!? Ganito na ba talaga ang epekto nya sakin?!

"I..I don't know what to say.."mahinang sabi ko.

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"l..look.. it's just... It's just nothing to me"sabi ni Sean ng hindi nakatingin sakin.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko kaya may wild palpitation na namang nagaganap sakin. *o*

"A..anong nothing?"

Why am I stammering?

"Alam kong nakita mo yung kanina, That kiss was just nothing to me" binawi ko ang kamay ko at tumingin sa kanya.

Iniisip nya ba na dahil dun kaya ako tahimik?

Well kailangan hindi nya maisip na apektado ako sa nakita ko.

"Nothing? Panong nothing? diba dapat natutuwa ka kasi hinalikan ka nya?"sabi ko na pilit tinatago ang emosyon ko.

Hindi sya kumibo, nakatingin lang sya sakin at parang hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.

"Diba gusto mo si Merielle? That kiss is a good hint! Ibig sabihin nun gusto ka din nya!"sabi ko at pilit na maging masaya kahit alam kong gusto ko ng tumakbo at magmukmok sa kwarto ko.

"Chi I'm serious---"

"Seryoso din ako! Diba sabi mo dati gusto mo sya? Eto na yun Sean!May pag asa kana!" nakangiting sabi ko.

Sana lang hindi ako nagmukhang tangang naka ngiting aso. =.=

Napaiwas sya ng tingin sakin at napangiwi.

"tss.."

"Sabi na nga ba effective yung love letter eh! O diba pareho na kayong may feelings sa isa't isa? May utang na loob ka sakin ah! Libre mo naman ako!"biro ko.

Grabe nagawa ko pang magbiro kahit nasasaktan ako. :'(

Napabuntong hininga si Sean at tumingin sa kawalan.

"I was just shock, I felt....nothing when she kissed me, just nothing Chi.."sabi nya.

Hindi ko sya pinansin, Ayokong sabihin nya yan. Na walang epekto si Merielle sa kanya. Dahil KAILANGAN MERON.

"Malamang sa sobrang shock mo hindi mo na napansin yung naramdaman mo kanina! ganun lang yun..."

"It doesn't!" matigas nyang sabi.

Sa tingin nya sakin, mukhang nakikipagtalo na sya. Pero hindi ko hahayaang matalo ako sa kanya.

"Hay nako Sean, grab the opportunity! It's time for you to confess! Siguradong matutuwa si Merielle!"

Nagsmirk lang sya pero pansin kong parang naiinis sya sa mga sinasabi ko. Bakit? diba totoo naman?

"At tsaka... ayaw mo yun? ....y..yung dating  tinitignan mo lang sa malayo... yung babaeng pumukaw sa tingin mo... Y..Yung babaeng dahilan ng pagtakas at pagiging pasaway mo dati... At yung taong pinapangarap mo... May gusto din sayo? Diba.... m..masarap sa pakiramdam ang ganun...?"pahina ng pahina kong sabi.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon