60.I Am His' Again.

509 26 8
                                    


Kagaya ng napag usapan ng team nila, sa bahay ang victory celebration ng pagkapanalo ng team.

Mukhang pinaghandaan na talaga nila ang lahat dahil isang tawag lang kanina ni Ralph at dineliver na agad lahat ng kailangan sa party.

Mabuti nga at nagpaalam na si Iñigo kay lola, hindi ko akalaing magiging ganito sila kahanda sa celebration na ito, ano yun? Nahulaan nilang mananalo sila o talagang malakas lang ang kumpiyansa nila sa sarili?

Kung ano man yun, natutuwa parin ako sa victory na na-achieve nilang lahat.

Umorder sila ng napakaraming pizza at light alcoholic drink, ang mga girlfriends ng ibang ka miyembro naman ay nag ihaw ng barbecues at iba pang pagkain kaya mas lalo pang dumami ang pagkain.

Kawawa ang maids namin pagkatapos nito pustahan.

May karaoke pa sila at naglaro ng kung ano ano kaya ang ingay talaga ng celebration ng team nila pero masaya.

"This is what you called a party.."sabi ng kapatid kong si Iñigo.

"Goodluck sa paglilinis bukas.."mapangasar kong sabi.

"goodluck sating dalawa"mapangasar nya ring sabi at nilagpasan ako kaya napairap ako.

Hindi talaga mawala ang asaran sa pagitan naming dalawa. tsk!

Pinasadahan ko ng sila ng tingin, lahat sila masaya. Ako rin masaya para sa kanila pero...

Pero may parte parin talaga sakin na sinasabing nalulungkot sya.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko kahit dinig na dinig ko parin ang tugtugan sa baba. Binuksan ko ang cabinet ko para kunin sana ang libro pero wala na ito sa drawer.

"What the...saan ko nilagay yun?"

Tinignan ko sa ilalim ng kama at sa kung saan saan pang sulok ang libro pero ni anino nito ay hindi ko makita. Imposibleng mawala yun! nandito lang dapat yun! Tinigna ko na rin sa bag ko pero wala talaga.

"Sa secret library.." bulong ko.

Naglakad na ako patungong secret library, naalala ko nung dati, bigla nalang bumalik sa bookshelf ang librong yun kaya posibleng nandun ulit yun.

Nagmadali ako bumaba sa hagdan ng secret library at binuksan ang ilaw. Napa ubo pa ako sa sobrang alikabok. Simula ng pumasok ako sa school ay hindi na ako pumunta ulit dito.

Hinanap ko ang libro sa shelf na dating pinaglulugaran nito pero wala rin. Tinignan ko narin sa iba pang shelf but still... wala.

Hindi ko naman naiwala siguro yun diba? Alala yun ni Belle! Naku hindi ko yun pwedeng mawala!!

"asan kana ba!?" inis kong bulong. Nagulo ko na tuloy ang iba pang libro kakahanap.

"The party is up there, bakit nandito ka?" nagulat ako at napalingon sa likod ng may magsalita. Kinabahan ako bigla ng makita sya.

"S..Sean? H..how did you get in here?" why am I stammering!

"you forgot? Kami ang dating may ari ng bahay na ito and I should be the one who ask that question, as you can see this is a secret library who owned by my grandmother's father"

"Uhh... m..may hinahanap lang ako"

"Eto ba ang hinahanap mo?" itinaas nya ang libro na tinatago nya sa likod nya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang libro ni Belle sa kamay nya.

"P..papanong-"

"Naiwan mo nang magkabungguan tayo nung nakaraan, tinatawag kita para ibalik sana pero hindi mo ko nilingon" paliwanag nya.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon