27.Stalking with Tintin

363 27 15
                                    


"Munchkins?" alok sakin ni Tintin.

umiling ako at hindi kumibo.

"ayaw mo? sayang napalanunan ko pa naman dun sa dart, hindi ko na bulls eye, di ko tuloy nakuha yung teddy bear"nakapout na sabi ni Tintin habang nilalamutak yung munchkins.

Tinignan ko ulit sila Sean. ang saya nila pareho, para silang perfect couple. Napapansin ko nga din na napapatingin sa kanila yung mga tao.

K...kung sumama kaya ako kay Sean kanina, ako kaya yung dadalhin nya dito ngayon?

Pero mabuti narin yun, sinabi pala ni book na layuan ko sya :(

"ang tahimik mo naman, ano ba kasing tinitignan mo dyan?"

"huh? wala tara na---"

"uy sila Ate Merielle at Prince Sean oh!"

"Tin tara na--"

"wow magkasama sila.. teka!? nagdedate sila!? oh my god!"napatakip pa mg bibig si Tin na akala mo gulat na gulat.

Oa?

lalapit sana si Tin pero hinila ko na sya agad.

"Tin!! p..pabayaan mo sila, nagdedate yung dalawa"mahinang sabi ko.

"okay? oo nga, dapat pala mag enjoy sila! haha!"

"Yeah"nasabi ko nalang.

Mukha namang nageenjoy silang dalawa.

"Naku.. magiging masaya si kuya pag nalaman nya to! boto kasi si kuya Jae kay Prince Sean para kay ate merielle"

napatingin ako kay Tintin na ngumangata parin.ano daw?

"palagi kasing bukambibig ni Ate Merielle yung Prinsipe tas bukambibig ka naman ni Kuya haha!"

"what?"

napatakip bigla ng bibig si Tintin.

"uhh.. ano w..wala! haha!"sabi nya at napakamot sa batok nya.

Kumunot nalang ang noo ko. Ano na naman bang sinasabi nito?

"ay!! aalis na sila! tara sundan natin!"bigla naman akong hinila ni Tin at sinundan sila Sean.

Bakit ba hila ng hila tong babaeng to?
Hindi ko alam kung bakit nagpatangay din ako kay Tin. Actually gusto ko din malaman kung anong nangyayari sa date nila.

"Ang sweet nila! hihi!"parang kiti kiti tong si tin habang kinikilig.

Grabeng stalker to si Tintin. =.=

Napatingin naman ako kay Sean na sinusuotan si Merielle ng pink balloon sa ulo. Tapos ganun din si Merielle.

Ang sweet nila.

Hindi ko mapigilang isipin na sana.... Ako nalang yun. Kumikirot na talaga yung puso ko. Bakit ganito na kasakit? Mahal ko na ba sya? T^T

waahh!! hindi pwede!!

"hay..sana may ganyan ding prinsipe sa buhay ko.."bulong ni Tin habang nakahalumbaba pa.

"Si Prince Charlie haha"biglang sabi ko na kinanoot ng noo nya.

"tsk! hindi ko magugustuhan ang ubod ng yabang na lalaking yun no!"

Bakit? ang cute kaya nila haha!

natawa nalang ako at tumingin ulit kina Sean.

Kumakain naman sila ng marshmallows ngayon, sinubuan pa ni Merielle si Sean. Nagulat pa nga ako ng punasan ni Sean ang labi ni Merielle.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon