18.Sean is handsome!

431 35 8
                                    


"lemon, honey, bayleaf...."

nilagay ko sa basket yung mga items na nasa listahan, nasa minimarket ako ako at namimili ng mga stocks.

Umalis narin sina Belle at Dre para sa work nila. Ang photography.

"mabuti naman walang wierd na prutas at gulay dito"bulong ko.

"Carrot, carrot, carrot..."

napatingin ako sa lalaking seryosong namimili. Hindi sya nakatingin sa daan at tuloy tuloy lang sa pagtulak ng cart nya.

"Carrot..carrot..carrot---"
"Eto ang carrot"sabi ko at inabot ang isang carrot sa kanya.
"Ay Carrot!!" napatingin sakin yung lalaki na ngayon ay nasa harap ko na.

Ampoge!! Haha! Bakit ba ang daming pogi sa loob ng librong to??

Natawa ako sa kanya at nilagay yung isang carrot sa cart nya.

"May mas magagandang carrots dun sa bandang kaliwa"sabi ko pa.

Hindi sya nagsalita at nanatiling nakatingin sakin. Medyo nawirdohan ako sa tingin nya, nakaawang pa kasi ang bibig nya at parang tulala.

Hala? okay lang ba sya?

"Uhm.. hello?" kumawaykaway ako sa kanya pero hindi parin sya kumikibo.

"Hello? yuhoo! okay ka lang?"sabi ko at nag snap sa harap nya.

napablink sya ng eyes at feeling ko lang ay nakabalik sya bigla sa earth.

"Huh? ahh..Ha?"
natawa ako sa itsura nya, halatang wala sya sa sarili!!

"Haha! tulala ka kasi! akala ko kung ano ng nangyari sayo, sige mauuna na ako"ngumiti ako sa kanya at binayaran agad ang pinamili ko.

Pag dating ko sa bahay ay sumalubong sakin si Churva. Nagwagayway ang bunto nya habang sumusunod sakin sa kusina.

"Hey Churva!"

inayos ko yung mga pagkain sa lagayan habang si Churva ay pinapanood lang ako.

"Arf!arf!arf!!"

napatingin ako kay Churva na tumatahol, nakatingin sya sa lamesa at dun ko nakita yung libro na umiilaw.

Agad akong lumapit at nilabas sa shoulder bag ko si Book tsaka ito binuklat.

Isang bagyo ang dumating na sumira sa ikinabubuhay ng dalaga. Wala roon ang kanyang mga kapatid. Nasira ang hardin ng mga bulaklak nila at mga halaman. Hindi nya alam ang gagawin kung abutan sya ng mga kapatid na ganito ang daratnan... siguradong magagalit ito.

"Bagyo? babagyo!?" napatingin ako kay Churva na mukhang puzzled lang ang mukha

"Kailangan matulungan ko si Merielle! Kailangan sabihin ko na magkakabagyo!"

binilisan ko ang pag aayos at pagkatapos ay umalis agad ako ng bahay. Sumunod sakin si Churva pero hinayaan ko lang sya.

Nang makarating kami sa bahay nila, nakita kong nakabukas ang pinto nito kaya pumasok na ako.

"Merielle?"

Nagtuloy tuloy ako sa sala pero walang tao.

"Merielle?" nakarinig ako ng boses na nanggagaling sa kusina kaya nagtungo ako dun.

Kaso napatigil ako ng makita si Merielle na may kayakap.

Si Sean.

Parang may kung ano ang dumagan sa dibdib ko kaya bigla akong nakaramdam ng sakit.

selos..

hindi, hindi ako pwedenc magselos!!

Bakit sila magkayakap? Sila na ba? umamin na ba si Sean tapos sinabi din ni Merielle na mahal din nya si Sean?

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon