48

285 19 5
                                    

ONE WEEK. One week na ang nakalipas at hindi parin kami nagkikita ni Sean.

Hindi siguro sya lumalabas ng palasyo at balita ko ay marami yata syang ginagawa ngayon. Hindi ako sigurado, naging mailap ang balita sakin tungkol sa kanya.

"Wag kang mag alala, mahal na mahal ka pa nun.."tinapik ni Dre ang balikat ko. natawa ako ng konti dahil sinira nya ang pag eemo ko dito.

Palibhasa'y hindi nya ang alam ang nangyari sakin, Ang alam nya lang ay nag away kami ni Sean.

"Puntahan mo na kasi, namimiss kana nun.."tinapik nya ako at pumunta na kay Belle na nasa kusina.

"Kung ganun lang sana yun kadali.."naibulong ko nalang.

Tumayo ako at lumabas ng bahay, feel kong maglakad lakad ngayon.

Natanaw ko ang grupo ni Katy at Nigel sa tabi sa park, ngayon ko lang sila nakita ulit, nakita ko din dun si Tintin kasama si Charlie na nakikipaglaro sa kanila.

Aalis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Katy at nilapitan nila ako.

"Ate Chi!!"

"hey..kumusta mga bata?"

"Ayos lang po! Kasama namin si Prince Charlie at ang girlfriend nya!"

"G..girlfriend?"napatingin ako kay Charlie na nakaakabay kay Tin at papalapit din sakin.

Napangiti ako sa kanilang dalawa, sila na pala?

"Kayo na pala... congrats!"sabi ko.

Nahihiya namang ngumiti si Tin pero hindi nagbago ang mukha ni Charlie sakin.

"Anong ginagawa nyo kanina?"tanong ko.

"namimigay sila ate at Prince Charlie ng nga chocolates!"sagot ni Lyndon.

"Pati candies!"Si eve at eva.

"At toys!"Si justin.

"pati narin bracelets!"si Illia.

"Nagkwento din sila kung pano naging sila, nagka idea tuloy ako kung paano ko liligawan si Katy"sabi naman ni Nigel tapos bigla silang naghiyawan.

Napailing nalang ako sa kanila. Haist. ang babata pa ng mga to oh.

"ang bata nyo pa para sa sakit sa ulo haha"biro ko.

Napabaling ang atensyon ko kina Tin at Charlie na nakatingin lang sakin.

"Can I talk to you?"biglang sabi ni Charlie.

"just for a minute.."sabi pa nya.

"sure"tumungo naman ako, nararamdaman ko kung tungkol saan ito.

"Naging iba si Sean these past few days.."panimula nya.

"A..ayos lang ba sya? Kumakain ba sya ng maayos? o nakakatulog?"

"Why are you asking me? You already know the answer" hindi ko alam kung naiinis sakin si Charlie o walang paki ang hirap kasi basahin ng mukha nya.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon