8.A Royal Dinner

455 35 4
                                    

"Loves! mabuti at dumating kana! Handa na ang dinner!"masiglang sabi ni Queen Kate at nakangiting sinalubong ang 'Loves' nya daw.

Nasa hapag kami dahil nga niyaya ako ni Queen Kate na magdinner sa kanila, nakakahiyang tumanggi dahil ang bait nya kaya napapayag na ako.

May lalaking papalapit sa amin, matipuno sya at napakagwapo!! Waahh!! bakit nagkalat ang mga gwapo sa librong ito!? Para syang si Yian Veneracion!!

Nagulat ako ng mapatingin sya sakin.

"Oh? may bisita pala tayo" naupo siya sa pinakadulong mesa habang si Queen Kate ay nasa harap namin ni Sean.

"Yes love! She's Chichi! She's very beautiful, isn't she?"

Napatango ang King at suman ayon. Ngayon naramdaman kong umiinit ang mukha ko.

"Yes she is, Ikaw ang unang babaeng dinala ng anak ko dito, So kailan ang kasal?"nakangiting sabi nito.

Napanganga ako sa sinabi nya. Ano daw!? KASAL!?!?

"P..po?"nasabi ko nalang.

"Dad! Ang bata ko pa! I'm just 17!"reklamo ni Sean.

"Ano namang masama dun? Pwede nang ikasal ang labingtatlong taong gulang pataas sa lugar na to diba?"

13!? As in 13 years old!?!? di nga!?!?

"so? Kailan ba? sa katapusan ng buwan?"hirit pa nito.

"Kung next week kaya love?"sabi pa ng mom nya.

Napatingin ako kay Sean na napahawak sa ulo nya at napapailing.

Grabe tong magulang nya. Nakakasakit sa ulo.

"Ilang anak kaya ang magagawa niyo? damihan nyo ah? gusto ko ng maraming apo"sabi ng dad nya.

WHAT!? Anak agad!? Agad agad!?!?

Lalo pang pumula ang mukha ko, napatingin ako kay Sean pero umiwas sya ng tingin sakin dahil kita kong namumula narin siya.

"oo nga anak, kung ngayon na kaya kayo gumawa? Dali!!dun na kayo sa kwarto---"

"MOM! DAD!" napalakas na ang boses ni Sean kaya natahimik ang magulang nya.

"Mahiya kayo kay Chichi okay? She's my friend at wag nyo kaming isipan ng ganyan! haist!"inis nyang sabi.

"Sean naman, ngayon ka lang kasi nagdala ng babae dito kaya---"

"Kapag nagsalita pa po kayo tungkol dyan hindi ko na isasama si Chichi dito kahit kailan"badtrip nyang sabi at kumain na.

"Hahaha!! Napaka pikon ng anak ko.."natatawang sabi ng dad nya at kumain narin.

"Let's eat Chichi, hehe I'm sorry kanina"sabi ng mom nya. kaya kumain narin ako.

"Oo nga pala, pano kayo nagkakilala ng anak ko Chichi?"tanong ng dad nya.

Kyah~ ang pogi ng Dad nya!!

"Uhh.. hinila nya po ako bigla para magtago sa damuhan---"

"what!? bakit ka nya hinila!? may ginawa ba sya sayo!?"biglang sabi ng mom nya.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon