11.Invitation

438 35 1
                                    

Nasa bahay ako ni Merielle ngayon. Sana lang hindi magalit si Sean kapag nalaman nyang binigay ko na yung sulat ng hindi nya alam. However, whether he likes it or not, kailangan ko ang sulat niya para kay Merielle, in that way ay magkakaroon sila ng connection. Based on the story, dito mag sisimula ang pagkakapalagayan nila ng loob.

"Pakisabi kay Prince Sean, salamat ng marami" Nakangiting sabi ni Merielle.

Until now, curious parin ako kung anong sinulat ni Sean sa letter. Pero hangga't maaari ay pinigilan kong basahin yun. Alam ko namang private 'yon at wala akong karapatan na basahin 'yon.

"Oo naman, makakarating yun sa kanya"sabi ko at ngumiti ng maliit.

Ang totoo, kahapon ko pa naibigay yung sulat, pumunta lang ako dito dahil niyaya ako ni Merielle na magmeryenda sa kanila.

"Oo nga pala.. eto ang sulat ko para sa kanya... at pakisabi narin na hihintayin ko yung tugon nya"

At siguro para maging messenger na naman =.=

"Uhh.. okay.." inabot ko ang sulat na nakabalot pa sa pink na sobre.

Wow? halatang nag effort talaga sya ah. Sabagay kung sulatan ka ba naman ng prinsipe diba? Syempre effort talaga.

Inggit si Chichi.

Hindi no! No way!

Haist. Well ng mag gabi ay umuwi na ako sa bahay. Agad akong napahiga sa kama habang hawak ang letter ni Merielle para kay Sean.

Babasahin ko ba?

Bakit naman?

Curious lang. Haha.

Bubuksan ko na sana yung sobre kaso napatigil ako.

konsensya...

Mapangasar talaga tong si konsensya no? Kinokonsensya ako!! haha!

nilapag ko nalang sa mesa yung letter at pinatay yung ilaw.

Zzzzzzzz

===
Kinabukasan ay namili ako sa M-market para bumili ng stocks, wala na kasing stocks sa ref ni Belle.

Pagkatapos ay nagwindow shopping din ako dito. Bumili pa nga ako ng bagong coat, dalawa para samin ni Belle syempre.

Pag uwi ko sa bahay ay nagulat ako ng may mga naka stand by na mga kawal sa harap. Mga tao galing sa palasyo. Kung ano ano agad ang pumasok sa utak ko.

Nandito ba sila para hulihin ako? May nagawa ba akong violation at papatawan ng parusa? Nako wag naman sana.

"Miss Illiannah, mabuti po at nandito na kayo" Si A man in a horse. He's Cesar.

"Uh..b..bakit po kuya Cesar?"medyo kinakabahan ako.

"Pinapasundo po kayo ng mahal na hari at ng mahal na reyna"

"Huh? b..bakit daw?"

"Hindi po namin alam, sumama nalang po kayo Miss Illiannah"

Haluh? parang may kasalanan na naman ako at pinapahuli ako ng hari at reyna!! Oh mon dieu!! Bakit kaya ako pinapatawag!?

"oh sige po"

Inayos ko muna ang mga pinamili ko at tsaka sumama kina kuya Cesar.

Galit kaya sakin sina Mom at Dad!? *ehem* I'm pertaining to the King and Queen.

Pero wala naman akong naaalalang may ginawa akong masama eh, kaya sana naman hindi ako lagot.

Nakarating na kami sa palasyo, pagkapasok na pagkapasok ay sinalubong agad ako ng mga maid.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon