52.Last Kiss

324 25 12
                                    


Nasa kusina ako at naghugas ng pinagkainan namin ni Sean. Nakauwi na kami galing sa festival. Pero nakaramdam ako ng kakaiba kay Sean.

Medyo tumahimik kasi sya lalo na ng kumakain kami kanina, pagkatapos naming magpalipad ng lantern ay mukhang malalim na naman ang iniisip.

Umakyat na ako sa kwarto ng matapos maghugas. Pagkapasok ko ay hindi ko nakita si Sean.

Saan naman kaya yun?

"Sean?"

Napatingin ako sa singsing ko ng bigla itong umilaw at dun ko lang napansin na nagsimula na itong magkaroon ng pula.

Nakaramdam ako agad ako ng lungkot. Mukhang malapit ng matapos ang pagiging mag asawa namin.

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng maramdaman ang presensya ni Sean. Tumalikod ako at nakita ko si Sean na nasa pinto at nakatitig din sa singsing nya.

"Sean.." hindi sya sumagot at nanatili sa pagtitig sa singsing nya.

"M..may oras pa naman tayo eh.. wag ka ng malungk--ahh!" Nagulat ako ng tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako pahiga sa kama.

"S..Sean.." ang higpit ng yakap nya sakin at nakabaon pa ang mukha nya sa leeg ko. lalo tuloy akong nakaramdam ng mabigat sa loob ko.

*sighed*

Narinig kong bumuntong hininga sya ng malalim, ramdam na ramdam ko pa ang hininga nya sa leeg ko.

"I already missing you right now Chi" sambit nya.

Ganun din ako, knowing na malapit na matapos ang bisa ng kasal namin. Nakakalungkot dahil pagkatapos nun papalayain na namin ang isa't isa. Pero naging masaya ako dahil sa pagkakataong naging asawa ko sya kahit isang araw lang.

"Wag mong bilangin ang oras please.." ani ko.

"I'm sorry I can't help it.." naiiling nyang sabi.

Kinuha ko ang kamay nyang suot ang singsing at in-intertwined sa kamay kong may suot din na singsing, dahil dun napaangat ang tingin nya sakin. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata nya.

"Sean.. wag ka ngang ganyan.."

Parang nakokonsensya na tuloy ako at medyo nagbabago na naman ang isip ko.

"I shouldn't make a promise.." inis nyang sabi sa sarili nya.

"Sean--"

"What?"may pagkainis ang tono nya sakin. Pakiramdam ko tuloy magagalit na naman sya.

"Bakit kasi ang unfair? Why is that Chi?" sa pananalita nya parang ang laki ng kasalanan ko.

Magbabago kaya ang isip nya? wag naman sana, malapit na akong matapos.

"Please... p..please wag kang ganyan.." biglang nag crack ang boses ko dahil pakiramdam ko maiiyak ako.

Sana hindi magbago ang isip niya. Please ...sana.. ayokong mahirapan na naman.

"I'm sorry.." pinagdikit nya ang noo at ilong naming dalawa.

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nya, ganun din ang akin. Ang laki talaga ng epekto nya sakin.

"I made a promise and I will do it, don't worry.."bulong nya sakin.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Niyakap ko nalang din sya ng mahigpit.

"Pero aaminin ko, I fvcking regret of promising you Chi. I'm stupid. Kung hindi dahil sayo, magpapaka selfish ako at hindi kita papaalisin.."

Naramdaman ko ang luha sa mata ko pero pinunasan nya yun agad.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon