36.I'm HIS'

369 30 18
                                    

HINILA ako ni Sean papunta sa gitna.

Nasa bewang ko ang isang kamay nya habang magkahawak ang isang kamay namin tapos nasa leeg nya ang isa kong kamay.

"You're so gorgeous with that gown, But I would still like to see you wearing the blue one.. I'm sure mas maganda ka pa pag yun yung suot mo"sabi nya.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi nya. Bakit pag sa kanya galing ang mga salitang yan kinikilig ako!?

"Sorry sa ginawa ko---"

"It's okay, Atleast pumunta ka. That's all I wanted, To see you tonight.."sabi nya at ngumiti.

Hindi talaga maiwasang tumalbog ang puso ko habang nakangiti sya.

>\\< Aish!! Why so handsome kasi !?!?

"I want to see you too.."bigla kong nasabi. Nakagat ko nga ang labi ko dahil dun at napaiwas agad ng tingin.

Sinabi ko ba talaga yun!?!?Kung ano ano ng nasasabi ko!!!

"really?" Napatingin ako sa kanya, dun sa mismong napaka gandang mata nya.

Nahihiya akong tumungo at nakita kong kumurba ng maliit ang mapupulang labi nya.

"Just like what I've thought"natatawang sabi nya at inikot ako. Nabigla nga ako pero na manage kong sumabay.

"nice one.."bulong nya dahil nakakasabay ako sa kanya.

"You're good at dancing.."puri ko pero tumawa lang sya ng mahina.

"And so you too.."sagot nya.

"'Cause you're leading me.."sabi ko.

"Yeah. I'm your leading man"sabi nya at binigyan ako ng pamatay na ngiti.

"And you are my Leading Lady"sabi pa nya.

Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko sa sinabi nya. Leche! Hindi ko na alam ang gagawin sa mga pinagsasabi ng lalaking to!

"Blushing.."asar nya.

"Che..!"sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti din ako at mahina syang hinampas.

"Chi.."

"Hmm?"

Nagulat ako ng ilapit nya pa ako sa kanya at mas humawak pa sya ng bewang ko.

"Tch! those men are looking at you. And I hate it"inis na bulong nya sa tenga ko.

Nakayakap sya sakin habang ako ay nakalean sa matigas nyang dibdib at sumasayaw parin ng mabagal.

Napapikit ako sa sobrang comfortable ng posisyon namin. I want us to be like this.... forever..

"wise men say, only fool rush in.."napadilat ako ng narinig ang isang maganda at gwapong boses.

kumakanta sya~ oh mon dieu!

Sinasabayan nya yung singer na lalaki. Pero mas maganda ata ang boses nya. Ang lamig ng boses nya at parang hinahagod ang puso ko habang pabulong syang kumakanta sa tenga ko.

Ang ganda pala ng boses nya...

Humalik sya sa ulo ko at kumanta ulit sya.

>\\<

"But I can't help.. falling in love with you.."


✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon