54.Cold Shake

368 23 5
                                    

Nang mag uwian ay sabay kami ni Ruffie na pumuntang soccer field, nakatanggap din ako ng text kay Iñigo na nakapasok sya sa team at ngayon din ang first training nila.

"Bakit ang dami mong dalang bottled shake?" kagagaling lang ni Ruffie sa cafeteria at may bitbit na apat na plastic bag, hinintay ko nalang kasi sya sa labas bago kami mag proceed sa field.

"oh I always buy shake for my brother kapag bumibisita sa field.."

"Nang ganyang kadami?"

"These are for the others, close ko din mga ka team ni kuya, and isn't it good? a cold bottled shake as a warm welcome dun sa ibang mga bagong natanggap sa team especially sa kapatid mo hihi!!" tumawa sya at nanghampas pa.

Amazona talaga to.

"Akin na nga yang iba! nababaliw kana naman.."

Nakarating kami sa field, may mga players na naglalaro sa field pero may tao rin sa benches, maraming babae sa bleachers at nanunuod pero hinila ako ni Ruffie papunta sa bench.

"practice lang naman so my brother wouldn't mind if we go here"

"Ruffie? Why are you here? dapat umuwi kana.." May lumapit sa aming lalaki. Matangkad at may clean cut na buhok. Medyo malaki din ang katawan nya at may itsura din kagaya ni Ruffie.

"Kuya Ralph!! we just want to congratulate the new members of the team, tsaka kasama dun yung kapatid ng friend kong si Chichi, Si Iñigo?"

"Ah.. yeah si Iñigo Zarfonso..magaling sya actually.." sagot ng kuya nya.

"Dati na syang naglalaro ng soccer sa alma mater namin..." sagot ko naman.

"Is that so, that's good, he really has a potential.. Kasundo nya nga agad yung captain namin.."

"So he's really back kuya!?" di makapaniwalang sabi ni Ruffie.

"Yeah, and it's really a great news.. Mamaya nandito sya"

"sino daw?" bulong ko.

"Si Sean, I already mentioned him to you right?"

"Ahh.. yah I remember"

"Well.. maya maya may break kami, you can give that shakes to them later"

"okay thank you!!"

Umupo muna kami ni Ruffie sa bench at pinanuod yung mag p-practice nila. Nakita ko nga din si Iñigo, tinaasan pa nga ako ng kilay. Siguro nagtataka sya kung bakit nandito ako.

"Chi.. I'm going to pee, dito ka muna ha? bantayan mo yung shakes"

"Okay"

tumayo na si Ruffie at tumungo sa cr. Ako naman ay tumingin sa damuhan at napaisip.

"Sean Darelle Cliforde.." bulong ko.

Naaalala ko lalo si Sean sa pangalan na yun. Lalo ko tuloy syang namimiss. Kumusta na kaya siya? Naaalala niya pa ba ako? I wonder kung ano nang nangyari sa kanya matapos kong mawala.

"Can I have one of your shake miss?" napahinto ako ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Yung boses na namimiss ko ng marinig.

"sabi ni Ralph para daw sa team yung shake nyo, so can I have one?"tanong nya ulit.

Umangat ang tingin ko at nagulat ng makita ko ang mukha nya.

No way.. kamukhang kamukha nya si...

Sean.

Mahaba lang ang brown nyang buhok na malapit ng umabot sa balikat nya pero kamukhang kamukha nya talaga si Sean, sa ilong, mata, labi, at kahit anong feature ng mukha at katawan nya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon