9.Ice Cream Flavors

459 35 4
                                    

"So ibig sabihin nameet mo ang prince!?"

Tumungo naman ako at medyo napasimangot kasi nga naalala ko yung pagsisinungaling ni Sean sakin.

"Ano gwapo ba?"

"Psh, yun ba talaga ang dahilan kaya excited ka sa sasabihin ko?"

"Joke lang! So pano mo nga pala ginawa?!"

Kinuwento ko sa kanya kung pano ko nakilala si Sean at yung pagsisinungaling nya sakin. Habang sya naman ay tawa lang ng tawa!!

"Haha!! ang cute mo naman! hinahanap mo yung taong nasa harap mo na!"

"Kaya nga mukha akong tanga nun sa kanya, pinag titripan na pala ako!"

"Pero that's good, atleast may steps ka ng nagagawa at nafe feel kong matatapos mo to"

Lumakas naman ang loob ko sa sinabi nya. Sana nga matapos ko to at makauwi na. Ayokong ma stuck dito sa loob ng libro habang buhay no!

Napatingin naman kami sa libro ng umilaw ito kaya kinuha ko yun at binuksan.

Mabilis na sumulat yung mga nangyari kanina sa page ng libro pero bigla ring nawala agad.

"Ibig sabihin nyan, nagawa mo yung sinabi ng libro"sabi ni Belle at tinap ang balikat ko.

"I'm happy because I see potential that you can finish what you've just started"

"Thank you"

"Bee!! Eto na yung favorite nating palabas!!"sigaw ni Dre mula sa baba kaya bumaba na kami agad sa sala.

"Yes!"tumalon agad si Belle sa tabi ni Dre at binalik ang kaninang position nila.

Oo na nga, sila na nga talaga ang sweet.

"Titanic? pinapalabas yan dito?"taas kilay kong tanong.

Pareho silang napatingin sakin.

"Oo naman Chi, maganda to promise! manood ka!"yaya ni Dre.

"Oo nga, dito ka sa tabi namin Chi!"sabi naman ni Belle.

No way. Nasa tabi nila ako habang sila ay nilalanggam ? Mukha pa akong third wheel!

"Uhh.. hindi na, love story yan kaya hindi ako relate haha"sabi ko.

"Asus! okay lang yan! tara na!"Dre.

"Thanks but no thanks Dre, aakyat na ako, ayokong makaistorbo no"pangaasar ko at umakyat na sa kwarto.

Nahiga ako sa kama at napapikit.

Kamusta na kaya sina Lola at Iñigo? Siguro hinahanap na nila ako, Sana lang hindi nila naisip na naglayas ako dahil I'm sure magagalit yun.

Kinabukasan ay umalis ulit sina Belle at Dre, Bumalik lang pala sila dito dahil naubusan sila ng films sa camera.

Kaya ngayon ay home alone na ako.

Kumakain ako ng binake kong chocolate mudpie habang nakatingin sa libro at naghihintay na umilaw ito.

Pero lumipas ang ilang oras na nakatunganga lang ako at nakatitig sa libro.

"Huy.. wala ka bang ipapagawa sakin ngayon ha?"kinausap ko yung libro pero hindi naman ito nagsalita.

Haist! ano ba!? Nagbabakasyon ba yung nagsasalita sa libro!? O baka naman wala na tong magic?! Hala hindi pwede!! baka hindi ako makauwi!!

Lumipas ang dalawang araw na wala akong ginawa kundi manood at tumambay sa bahay. Hanggang sa napag desisyunan kong lumabas ng bahay at namasyal.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon