45.Stress Reliever

326 21 2
                                    

Nakabalik na kami ni Sean sa Main City ng Miroianah, Sa ngayon ay nasa palasyo parin ako, mamaya pa kasi ako babalik ng bahay.

"Mama! May bago na ako pong kalaro po!!" pinakita sakin ni Shane ang bago nyang alagang ibon. Pinakawalan nya pa ito tapos nag transform din sya as fairy.

"Maglalaro kami po mama!"

"Wag kang lalayo shane ah"

"Opo!!"

Napatingin ako kay Sean na tahimik sa desk nya at nagbabasa ng mataas na patong patong na papel, naging busy sya ng bumalik kami dito, wala pa kasi ang parents nya kaya sya ang nagaasikaso ng sangkatutak na gawain ng tatay nya.

"Uhh Pan..?"

"Hmm?" tumingin sya sakin saglit tapos ngumiti tsaka bumaling ulit sa mga papel.

"labas lang ako ah?"

"Mmm" tumungo lang sya. Lumabas ako sa kwarto nya at dumeretso sa kusina, ang totoo gusto ko syang ipagluto dahil busy sya.hihi! sana magustuhan nya. :)

"Miss chichi? anong sinadya mo dito?"tanong ni nanay lucing.

"Nanay Lucing, magpapaturo po sana ako magbake ng blueberry pie?pwede po ba?"

"para sa prinsipe ba yan?"nakangiti nitong tanong.

Ngumiti lang ako at tumungo tungo. Si lola kasi nanunukso pa.

"abay oo naman! o sya maghahanda ako ng mga sangkap"

Nagrefine refine chuchu kami ng harina ni nanay lucing tapos tinuro nya sakin yung pag gawa ng crust, yung pag roll at mag design sa gilid.

"Alam mo? Ikaw palang ang unang babaeng nagpasaya sa prinsipe namin, simula bata masungit na ang batang yan, ngayon maski ibang maid nangingitian na nya"

"eh?"para akong tanga makasagot. Dakilang masungit naman kasi talga si Sean at Moody pa.

"Totoo yun haha!"nagulat ako ng sumulpot si Kuya lars sa kung saan.

"alam mo sa tuwing gumagawa nga sya ng pie, ikaw ang bukambibig nya.. sa totoo lang ginawa ka pa nyang dahilan para hindi na sya ma grounded noon eh"

"ako? bakit naman ako?"

"tanda mo yung huling araw na grounded sya? sabi nya sa parents nya na miss kana daw nya kaya ayun, pinayagan! haha"

Hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi ni kuya lars. So ako yung namimiss nya nun?! wahh!! kinikilig ako! >\\<

"ay pangitingiti? ganyan ka ba kiligin?"panunukso ni Kuya lars.

"Che kuya, alis na nga!"tinapik ko sya ng mahina.

"haha! wag mong sasaktan ang prinsipe ha? kahit ubod ng sungit yun, nasasaktan parin yun haha"lumabas naman sya ng kusina ng makakuha ng pagkain habang patawa tawa pa.

Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Lars. Hindi ko maimagine na darating ang panahon na masasaktan ako sya dahik magkakalayo kaming dalawa.

"sang ayon ako sa sinabi ng kuya Lars mo, pakiusap wag mong saktan ang prinsipe ha?"sabi ni Nanay lucing.

ngumiti nalang ako ng maliit at marahang tumungo.

Nang makagawa kami ng mixture ng blueberry ay nilagay na namin yun sa pie at binake. Halos tatlong oras din akong nasa kusina para paghandaan ang paboritong dessert ni Sean.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang successful kong output syempre with the help of nanay lucing. matutuwa kaya sya?

"Sige na, siguradong gutom na ang prinsipe"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon