2.Don't read a strange book

856 50 5
                                    


PAGKAIN. yan ang pumawi sa inis ko kay Iñigo, mabuti at masasarap ang pinahanda ni lola na pagkain. Dahil kung hindi, si Iñigo ang mapagdidiskitahan ng inis ko.

"oh dahan dahan, kaya nataba eh.. sige ka baka lalong walang manligaw sayo"

Napasama na naman ang tingin ko sa kanya.

Ayan. nagsimula na naman sya! Kung pwede lang, gusto ko na syang saksakin ngayon ng tinidor kung wala si lola! iniinis nya talaga ako. Gustong gusto niyang inaasar ako palagi!

"Iho, wag mo na ngang asarin ang ate mo.. Ikaw talaga napaka kulit"

"opo lola, haha"

"Oo nga pala, pwede nyong libutin ang buong bahay pero wag kayong papasok sa bodega okay? Pinagbabawal ng dating may ari nito na pumasok dun"

Grabe naman yung may ari nito, binenta na nga kay lola tapos bawal parin yun pasukan lahat ng kwarto?

Pareho nalang kaming tumungo ni Iñigo. Matapos namin kumain ay pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. I'll stary here for freaking two months? I don't think I will survive, wala akong friends dito, at tanging ang nakakainis na kapatid ko lang na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang araw araw ko ang makakasama ko!

"Hayss..." napabuntong hininga ako.

"Lalim ah.." napatingin ako kay Iñigo na nakatayo sa pinto.

Agad na nagbago ang itsura ko at sumimangot. Makita ko lang ang mukha nya, awtomatikong sumisimangot ang mukha ko.

"Mang aasar ka na naman?"walang gana kong sabi.

"Oo?" ang pilyo ng tingin nya.

"tsk! ewan ko sayo.. makipagtext ka nalang sa Kristine mo"

"Busy sya eh"

"Kaya ako ang bibwisitin mo?"pagtataray ko.

"Malamang"

"tsk! alis na! matutulog ako!!"inis na sabi ko.

"Wag ka matulog! kaya nataba ka lalo eh!!"

HINDI AKO MATABA AH! SEXY KAYA AKO!

"Ano ba Iñigo? Isusumbong kita kay papa tingnan mo"walang pasensya kong sabi.

Kaunti nalang talaga at iuuntog ko na sya sa pinto.

"Wala si Lola, pumunta sya sa palengke"bigla nyang sabi.

"Oh tapos?" I gave him a bored look.

"Come with me! Libutin natin yung house!" Bigla nya akong inalog alog habang nasa higaan.

Pakiramdam ko tuloy ay lumilindol dahil sa kanya. Nahihilo ako!

"Ano ba! wag kang magulo!"

"Dali na! I'm sure gusto mo din yun puntahan!"

"Shatapp!!! Ayoko!"

"Dali na kasi!! habang wala si lola!!"

"Lalalalalalala... wala akong naririnig..lalalalalalalala"

"Chichi!! dali na please!!"pakiusap nya.

Napatingin ako sa kanya bigla, nakapout sya. si Iñigo ba to? Ang kapatid ko!? OH MON DIEU!

Malamang ay nabobore na talaga sya, hindi sya sanay na walang ginagawa. Sa Manila palagi syang nag s-soccer kasama ng mga kaibigan nya.

"Pilitin mo ko.."asar ko.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon