38.

373 25 7
                                    

Matapos ng nangyari kagabi ay bumuhos ang luha ko pagka uwi. Nagkulong ako sa kwarto at umiyak ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ang sakit kasi talaga... alam mo yung panghihinayang? Pareho naming mahal ang isa't isa pero hindi naman kami pwede dahil magkaiba kami.

"Hayssss..."

Nasa kama parin ako at nakatitig sa kisame. Maga ang mata ko kaya ayokong lumabas ng kwarto.

"Yung libro nga pala!"

Nakita ko kagabi na hawak yun ni fairy godfather, at hindi ko alam kung paano at bakit.

Bumangon ako at napaisip.

"Pano nga yun napunta sa kanya?"bulong ko sa sarili.

Unconciously, I found myself opening the drawer. At nanlaki ang mata ko ng makita ang libro sa loob.

Binuklat ko yung libro at saktong umilaw ito at sunod sunod na lumitaw ang mga letters sa bawat pages.

After a second, nawala ang ilaw at nagiwan naman ng mga letters na handwritings.

Eto yung mga parts na naaccomplish ko na, simula una... hanggang sa.......

"naaccomplish ko.."gulat kong sambit.

Pano nangyari yun? Nakasulat dito yung last part na pinapagawa sakin!

Dumalo ang dalaga sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Palasyo. Maraming namangha sa taglay nyang ganda at hindi talaga maalis ang tingin ng karamihan lalo na ang mga lalaki sa kanya. Pero isa tao lang ang gusto nyang makita... Ang Prinsipe.

Isinayaw sya nito buong gabi at hindi manlang binigyan ng tyansa ang ibang lalaki na isayaw sya. Ito narin kasi ang gabi na hinihintay ng Prinsipe para aminin ang nararamdaman nya sa dalaga at ayaw nya na magulo ang lahat ayon sa plano.

"umamin nga sya..."bulong ko.

"pero inamin nya na hanggang kaibigan lang sila ni Merielle.."

Sinabi dun na aamin si Sean diba? pero iba naman yung inamin nya kay Merielle. Inamin niya na magkaibigan lang sila!

Napamasahe ako sa sentido ko. Kasalanan ko 'to. Ngayon iba na talaga ang naging takbo ng kwento.

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto ko. Naitago ko tuloy agad ang libro.

"Pasok!"bumukas ang pinto at bumungad si Dre sakin.

"may naghahanap sayo, manliligaw mo daw"sabi nya ng nakangiti.

napataas ang kilay ko sa sinabi ni Dre.

"Ano?"

"bingi Chi? manliligaw mo! wag mong paghintayin"sabi nya at sinara na ang pinto.

I just rolled my eyes at bumaba na nga sa sala pero nagulat ako ng makita si Sean na nakaupo sa sala at kausap si Belle.

manliligaw sya?

Napatigil sila ng maramdaman ang presensya ko at tumingin sakin.

"Chi! Sabi ni Sean na--"Belle.

"Anong ginagawa nya dito?"tanong ko kay Belle.

"Ayun nga kasi sabi nya-----"

"Hindi dapat sya nandito!"

"Wait kasi!! patapusin mo ko! gusto lang nyang Man----"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon