57.Sean is Confused

412 23 7
                                    

*Bell ringing*

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko ng marinig ang bell. Inayos ko naman ang mga gamit ko ng tumunog abg phone ko.

Iñigo: Naiwan mo sa kotse ang pack-lunch mo. Punta ka sa locker ng team

Napasimangot ako ng makita ang text ni Iñigo, naiinis ako sa kanya ngayon kaya't hanggang maaari sana ay hindi ko muna sya papansinin.

~Bibili nalang ako.

nagreply ako pero agad din syang nagtext.

Iñigo: Wag mong sayangin ang luto ni lola. Pumunta kana dito.

Napabuntong hininga ako at umirap sa kawalan. Wala ba talaga akong magagawa sa pagiging bossy nyang kapatid?

"Chi? saan ka magla lunch? sabay tayo?"

"Na kay Iñigo ang lunch ko, sa locker ng team nila."

Bigla naman syang sumimangot at napanguso.

"Sige wag na, sa cafeteria lang ako"

"Eh? ayaw mo ba sumama para makita ang kapatid ko?"

"Duh? Taken na sya at magmo-move na ako kahit wala namang kami tsk!" nakanguso nyang sabi. Natawa ako at nailing iling nalang.

Nagdrama pa ang babaeng yun, nakakatawa tuloy sya.

Dumeretso na ako sa locker nila Iñigo, mag isa lang sya sa loob at mukhang may katawagan.

"sige babe, I'll call you later. Bye love you" binaba na nya yung phone nya ng makita ako. Pumasok naman ako sa loob pero halata parin ang pagkawala ko sa mood dahil sa kanya.

"Dito kana kumain, hindi ko kasabay si Kristine"

Hindi nalang ako nagsalita at kinuha yung lunch ko at umupo malayo sa kanya. Naiinis parin talaga ako sa sinabi nya kanina.

"Chi.." tumabi sya sakin pero umusod ako. Napabuntong hininga sya at kumain nagsimulang kumain.

"Sorry kanina, pinapaalalahan lang kita"

"I'm older than you Iñigo, wag tratuhing parang bata" inis na sabi ko.

"Ayoko lang na pag initan ka ng ulo ni Chelsea, balita ko lahat ng lumalapit kay Sean inaaway nya. Mabuti wala sya kahapon at hindi nakita yung-"

"Alam ko okay!? Hindi ko guguluhin ang relationship nila! Ayoko ng manggulo.." sabi ko habang pahina ng pahina ang boses ko.

"You like him, do you?" biglang tanong ni Ñig kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ngayon ka lang nagkaganyan.. and base on my observation, there is something weird about you and Sean.."

"Wag mo na i-open ang topic na yun, like what you have said, hindi ko na sya dapat pang isipin diba?" sabi ko at kumain nalang din.

Napakibit balikat nalang sya at kumain narin.

Nakarinig kami ng ingay ng bumukas ang pinto, pumasok ang ilang miyembro ng team nila na as usual ay maiingay. Kumakanta sila habang habang yung isa ay may dalang gitara at tumutugtog.

"Ñig!! nandito ka pala! Bonding kayo ng ate mo ah" bati ni Mig na may dalang gitara.

"Yeah, kawawa walang kasabay hehe" biro ni Ñig

Isa-isa kong tinignan ang mukha ng mga pumapasok sa pinto hanggang sa sumulpot ang taong inaantay ng mata ko.

Kausap nya si Ralph na mukhang nagku kwentuhan ng kung ano. Siniko tuloy ako ni Iñigo kaya yumuko nalang ako at kumain ulit.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon