47. Rejected

305 22 9
                                    


Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. At sa hindi ko malamang dahilan ay biglang tumulo ang aking mga luha.

Nawala ang ngiti niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Chi? Hey.. why are you crying?"may pag aalala niyang sabi.

Umiling iling ako.

"H..hindi pwede" saad ko.

"What?" Napakunot siya ng noo.

"Hindi ako ang dapat mong pakasalan Sean.." malungkot kong saad.

"A..anong ibig mong sabihin? Are you rejecting me?"malungkot niyang saad

"Hindi ako ang para sayo" sagot ko.

Inilabas ko naman ang libro mula sa shoulder bag na palagi kong dala.

"Inilabas na ng libro ang huling parte. Makakauwi na ako Sean..." sinubukan kong siglahan ang aking boses pero m bigo ako.

Sumeryoso ang mukha niya ngunit bakas parin ang bahid ng lungkot dahil sa sinabi ko. Kinuha niya ang libro at binasa ang mga ito. Umiling iling siya at kitang kita ko ang pagtutol sa kanyang mukha.

"No.. I can't do this" umiling iling siya.

"S..Sean" pumiyok ang boses ko at napaluha sa sinabi niya.

"Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal! Chichi ikaw yung mahal ko! At kung magpapakasal man ako, gusto ko sayo lang!"

"Pero napag usapan na natin ' to diba? Gagawin mo ang nasa libro, tutulungan mo akong makauwi"pakiusap ko.

"I know! but I didn't expect na hahantong ito sa kasalan!"

Hindi ko na mapigilan ang emosyon, halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Tuwa dahil sa alok niyang kasal, lungkot dahil hindi ako ang dapat niyang pakasalan, at inis dahil hindi na naman umaayon sa libro ang takbo ng mga pangyayari.

"P..pero nangako ka, Sean magpakasal ka kay Merielle"pakiusap ko.

Tinitigan niya ako, at ramdam kong nasasaktan siya sa mga sinabi ko. Hindi siya sumagot, tumayo agad siya at naglakad palayo.

"Sean!! Wait!"

Sinundan ko siya palabas ng gubat. Sumakay siya ng sasakyan, mabuti nga at hinintay niya akong makapasok.

"Sean--"

"Wag mo akong kakausapin please lang"seryosong saad niya.

Napatikom ang bibig ko. Ayokong magalit siya, dahil baka mas mahirao siyang kumbinsihan pag ganun.

Inabot kami ng dilim ni Sean sa daan, hindi na sya nakauwi sa kanila pero magpapaliwanag nalang daw sya sa dad nya.

Yumigil ang kotse nya sa harap ng bahay ni Belle, hinayaan ko namang alisin ni Sean ang seatbelt ko at tulad ng kanina ay hinalikan nya ulit ako sa cheeks habang inaalis ito.

"Get rest"malamig na tugon niya.

"Sean"

"What?"may inis parin ang tono niya.

"Please.. marry her... si Merielle.."

Hindi siya sumagot, imbes ay bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Bumaba naman ako.

"Sean--"

"Will you stop it Chi?! Your joke isn't funny anymore!" Napasigaw na na siya.

"Hindi ako nagbibiro sayo! Sean umayos ka--"

"Hindi rin ako nagbibiro! Sa tingin mo ba ganun kadali yun ha?! Hindi maliit na bagay ang hinihingi mo sakin Chichi! Kasal yun! Kasal!"

"P..Pero nag promise ka.."sabi ko at napakagat ng labi para pigilang umiyak. "Sean.. nangako kang hindi ka magiging makasarili d..diba? Nangako ka na tutulungan mo ako.."muli na naman akong naluha.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon