49.The Proposal

300 17 8
                                    

After that day na nagkaayos kaming muli, ay balik kami sa dati ni Sean. We're still dating at bumalik ang pagtrato niya sa akin bilang girlfriend niya. Well may konting pagbabago lang dahil sa extra sweetness at extra possessiveness niya.

Ewab ko ba, feeling ko hindi na healthy yun, parang sa bawat araw na dumadaan ay lalo akong nahihirapan na mapahiwalay sa kanya.

"Hey.." tumabi sakin si Belle na may dalang notebook.

"Hey.."bati ko din.

Tinignan nya akong mabuti at nararamdaman kong may bumabagabag sa kanya.

"Nakumbinsi mo na ba syang magpakasal?"tanong nya. Umiling iling ako at yumuko.

Bumuntong hininga sya at binuklat ang notebook nya.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko.

nagsulat sulat sya tapos ay ipinakita sakin.

4 1/2 days = 58 minutes

44 days = 580 minutes

580 minutes = 9.67 hours

Na puzzle ang mukha ko sa mga numerong nakita ko sa note book nya.

"what exactly is that?"takang tanong ko.

"I computed how long is your human body unconcious in the real world, at base dito... halos siyam na oras ka ng walang malay..."

Sa sinabi nyang yun, pakiramdam ko nadagdagan pa ang problema ko.

"Ilang araw nalang ang kailangan mo, hindi kita pinepressure pero parang ganun na nga, kailangan mo ng magmadali bago ka makita ng iba sa real world and before the book might be out of contact to you"paliwanag ni Belle.

Napabuntong hininga ako dahil dun.. Kailangan ko na talagang makausap si Sean.

Umakyat ako ng kwarto para kunin sana ang phone ko ng makita ko doon si Book na hawak ang libro.

Nakayuko lang sya at nakaupo sa kama.

"Book.."umangat ang tingin nya sakin, dun ko napansin na namumula ang mga mata nya. Umiiyak sya.

"Chi.." nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko at umiyak.

"Alam kong naging masama ang ugali ko sayo pero pakiusap... tapusin mo na ang libro.."

kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, nakaramdam ako ng awa sa kanya.

"Hirap na hirap na ako, ang hirap ng kalagayan ko.. gusto ko ng makabalik sa kwentong to.. gusto ko ng bumalik sa alaala ng mga tao dito.. gusto ko ng bumalik" nakayuko lang sya.

"

H..huh?"

Medyo naguluhan ako sa sinbi niya, ngunit ng maproseso ko ito ay naintindihan ko na.

"ibig mo bang sabihin.. isa ka rin sa tauhan ng kwentong to?"

Tumungo naman siya.

"oo pero wala ni isa ang nakakaalala sakin, nawalan ako ng role sa kwentong ito Chi.. oras na baguhin mo ang wakas, tuluyan na akong mabubura sa libro, Gusto kong makabalik ako sa kwentong ito.. tapusin mo na please.."

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon