3.Welcome to Miroianah

813 41 21
                                    

I found myself at the edge of the cliff, sitting under the tree with the same position I was in the library.

What the hell just happened?

Napatingin ako sa buong paligid ko, Isang malawak na syudad ang aking nakikita. Maraming gusali, ibang ibang magagandang estruktura na nagpapahiwatig ng kaunlaran ng lugar.

Pakiramdam ko ay nakapunta ako ng ibang bansa. Panaginip ba 'to? Dahil kung oo ay masasabi kong isa itong napakagandang panaginip!

Pero paano ako napunta rito? kanina nasa library lang ako tapos—Aha! The strange book!

Naibaba ko ang tingin ko sa librong nasa lap ko.

"ikaw ang may gawa nito!"sabi ko.

I know it sounds crazy but this book brought me to this place! Paano nangyari yun? May magic ang librong ito?! But does magic even exist? 21st century na and I don't believe with such things!

Mali, siguro'y nananaginip ako! Tama! Kailangan ko lang magising! Sinubukan  kong sampalin ang aking sarili, pero ako lang rin ang nasaktan!

"How can I go back?!"wika ko.

Tumayo ako at binitbit ang libro, ngunit napatigil ako ng makita ang mga lalaking sakay ng mga kabayo nila. May kasuotan sila na parang mga kawal tulad ng mga napapanood kong disney movies noon.

"Ayun sya! dalian nyo!"

Mabilis nilang pinapatakbo ang mga kabayo nila na tila may tao silang hinahabol.

Sinundan ko sila dahil baka alam nila kung nasaan ako at baka matulungan nila ako kung paano ako makakabalik.

"Sandali! Wait!" hindi ko sila aabutan dahil may kabayo sila pero may nakita akong short cut para mag cross ang mga landas namin.

Tumakbo ako dun sa may short cut at tumayo sa gitna ng maliit na daan kung saan madaraanan din nila maya-maya lang.

"Hey! dito!" sigaw ko.

Kumakaway ako pero hindi manlang nila ako makita dahil medyo malayo pa sila sakin.

"Hoy! nandito ako—Aahh!!"

Nagulat ako ng may humila sakin bigla at tinakpan ang bibig ko. Itinago nya ako sa likod ng matataas na halamanan. Nagpupumiglas ako ngunit ang lakas nya para tapatan ang tulad ko.

"Mmm!mmm!"

"Sshhh!! wag ka maingay!!"

Isang lalaki! Nakaramdam agad ako ng kaba. Baka marape ako! Inilayo at pinrotektahan ako ng kapatid ko sa kahit sinong lalaki! Ayokong mawala ang paghihirap nya dahil sa lalaking ito!

"Mmm! mmm!"

"I said quiet!" inis na sabi nya. hindi ko sya makita dahil nasa likod ko sya. Sinubukan ko syang hampasin pero hinawakan nya lang pareho ang kamay ko at pinigilan.

"Mm!mmm!"

"Pag di ka tumigil pareho tayong mahuhuli!"

Leche ka idadamay mo pa ako sa kabaliwan mo!?

"Nasaan na sya!?"

Napatigil kaming dalawa ng lalaking nasa likod ko. Nasa harap na namin yung mga lalaking nakasakay sa kabayo. At parang hinahanap nila ang lalaking ito. Hindi nila kami makita dahil sa mataas ng halaman nakatakip sakin.

Gusto kong mag ingay pero nakakainis ang lalaking ito at tinapatan ako ng matulis na stick! Makatarungan ba yun!?

"hindi namin alam, ang bilis nya magtago!"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon