15.He miss...

465 38 5
                                    

Nakahalumbaba ako habang tinutuktok yung tinidor sa mesa.
Tinititigan ko yung libro at hinihintay na mag salita si Book.

Sinabi ko kasi na nakakapagsalita si Book pero ayaw maniwala ni Belle!! Okay, It's really unbelievable but it's true naman diba!?

"Hmm..Alam mo? imbes na humalumbaba ka dyan, tulungan mo ko mag luto"

nasa kusina kami ni Belle, sya ang nagluluto habang ako ay taga tikim nya daw.

"Nakakapagsalita nga sya!! Lalaki pa nga ang boses nya at sobrang sungit!!"

"Chichi..oo na, A book can talk, Pero wag kana mag hintay dyan sa wala!"

"Ehh!! alam kong hindi ka naniniwala!! gusto kong magsalita sya ngayon! Huy Book!! talk!!"sabi ko at kinatok katok ang libro.

.......

"Nice try" natatawang sabi ni Belle.

"Tsk! napunta nga akong sa loob nitong libro na imposibleng mangyari pero yung talking book ayaw mo maniwala?"

"Eh kasi... walang ganun Chi.. Duh.. kahit may weird things dito, wala akong naaalala na may nagsasalitang bagay dito like books?"

Napapout nalang ako, so nababaliw ako? kinakausap ko yung book?

"Hindi eh!! Hindi ako baliw!"

"Sinong may sabing baliw ka? Hindi ako ah"

"Psh! ewan.."

"alam mo, isipin mo nalang kung anong pwede mong gawin bukas, diba bukas na pwedeng makalabas ang prinsipe sa palasyo? sabihin mo dumalaw sya dito ah!"

umiling iling ako at humalumbaba nalang ulit.

As if namang dadalaw yun dito. I'm sure kay Merielle ang diretso nya pag lumabas!!

"mag se set nalang ako ng date nila ni Merielle, yun nalang ang gagawin ko"

"Date? pwede rin, but parang labag sa loob mo?"taas kilay na tanong ni Belle at alam ko na sa mga tingin nya ay kakaiba. Nangaasar sya!

Umirap nalang ako dahil mukhang alam ko na ang iniisip nya. Oo medyo ewan lang... para kasing.. may kaunting---arrgh!! kirot? dito sa heart ko. >.<

"Bee!!!" Narinig ko ang boses ni Dre sa labas palang ng bahay.

"Aww!!Aww!!"

Biglang may asong pumasok sa loob ng bahay! maliit lang sya at super cute!! Parang si toto na alaga ni dorathy? Pero imbes na black ay color golden brown sya.

Saan galing yan?

"Bee!"pumasok si Dre sa bahay at niyakap agad si Belle. tapos nagkiss pa sila sa harap ko!!

Okay? o sige pag bigyan natin dahil hindi sila nagkita kahapon.

napatingin ako sa aso dahil iniikutan silang dalawa!! hahaha! Parang pati sya gustong makisalo sa lambingan ng dalawa!

"chuchu!!" tawag ko sa aso. napatingin sya sakin at ginalaw galaw ang buntot nya.

Yie! parang ngayon nalang ulit ako nakakita ng normal animals!!!

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon