25.Side Lip Kiss

421 30 7
                                    

"ano? musta ang mission?"bungad ni Belle ng makapasok ako sa kusina.

nagluluto na sya.

"ayun, nagawa ko ang 3 parts in advanced"malumanay kong sabi.

"weh?! madalang yun ah!"

"yeah"

"eh ba't parang hindi ka masaya? ayaw mo nun malapit kana umuwi?"

napaisip din ako sa sinabi nya. Hindi naman sa hindi masaya.

I'm sure mamimiss ko lahat ng nandito sa Miroianah. lahat ng strange and weird things dito.

"masaya kaya ako"

"sus..parang hindi naman.."

hindi nalang ako sumagot. siguradong aasarin na naman nya ako.

"Alam mo, pwede ka namang mag stay dito eh"bigla nyang sabi.

"eh?"

"may nakilala ako, nag stay sya sa librong to dahil sa pag ibig"nakangiti nyang sabi.

eh? dahil sa love?

"s..sino?"

hindi nya ako sinagot, imbes ay pinagpatuloy nya pa ang kwento.

"gusto nyang makatakas sa reality, sa reality na puro problema, pighati at kung ano ano pa hanggang sa nakapasok sya sa librong to.."

"nagkaroon sya ng kaibigan, isang fictional character na simpleng mamamayan sa Miroianah at kinalaunan ay nainlove sya dun"

"nagpabalik balik sya sa libro, nalaman yun ng tatay nya kaya pinagbawalan na syang pumasok ulit dun.."

"Pero hindi sya nakinig, may taong mahal sya sa loob ng librong yun at gusto nya yun makasama habang buhay..."

"hanggang sa..."

"hanggang sa?"

"hanggang sa hindi na sya makabalik, dahil sa galit sa tatay nya, nag stay sya dito ng matagal at nung gusto na nyang makabalik para humingi ng tawad, hindi na nya nagawa"

Nakakaawa naman ang taong yun. Kung ako ang nasa sitwasyon sya, iiyak ako ng sobra.

"Una umiyak sya ng umiyak, hanggang sa natanggap nya na wala na syang pag asang makabalik, kasalanan din naman nya haha"

napatingin ako kay Belle. Parang sarcastic yung tawa nya?

"pinagsisihan nya ba yun?"

"may part na pinagsisihan nya pero may part din na masaya sya dahil sa taong mahal nya"

"ano ng nangyari sa tatay nya?"

umiling sya at tinap ang balikat ko.

"dunno, pero tip lang, kung ayaw mong mangyri yun sayo,bilis bilisan mo ang mission... dahil oras na mawalan ka ng contact sa reality world, makakalimutan mo na ang lahat ng meron ka sa reality"

napuzzle ako sa sinabi nya. ano daw?

"H..huh? hindi kita maintindihan"

"yung libro, para syang tracking device, kapag na sayo pa ang libro ngayon dito sa Miroianah ibig sabihin hawak mo parin ang libro sa totoong mundo.."

"okay? tapos?"

"Pero kapag nawala ang libro sayo dito sa Miroianah, it means na hindi mo na hawak ang libro sa reality world at mawawalan ka ng contact hanggang sa makalimutan mo na ang lahat"

"m..mag kaka amnesia ako?"

"oo kung sakali, kung itatanong mo, sa ngayon ay para ka lang natutulog sa totoong mundo pero bukas ang diwa mo sa loob ng librong ito"

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon