30.Heartaches

385 28 10
                                    

"Mama ba't nag c-cry ikaw po?"biglang tanong ni Shane kaya napatingin din sakin si Sean.

"Napuwing kasi ako hehe" sabi ko pinunasan yung pisngi ko.

Hay ano ba Chi? Nagiging emotional kana!!

"Here.."inabutan ako ng panyo ni Sean pero hindi ko yung pinansin.

"Cr lang ako"

"Sasama ako din po Mama! babantayan kita po"

"Wag na, walang kasama si Papa mo"sabi ko.

"Saglit lang ako.."sabi ko at umalis agad.

Medyo malayo ang Cr dito kasi malaki tong park at sa dulo pa yung cr.

Nang makapasok ako sa Cr ay inayos ko lang ang sarili ko at naghilamos.

Nagulat ako ng umilaw si book na nasa loob ng shoulder bag ko.

Nilabas ko sya at nilapag sa gilid ng sink tsaka binuksan pero wala namang lumitaw na words at sentences.

Bakit walang lumalabas?

"B..book?"

Ilang segundong walang sumagot hanggang sa narinig kong bumuntong hininga si book.

"Anong sinabi ko? Diba sabi ko layuan mo na sya?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Book. Heto na naman sya at pinaparamdam na mali na naman ako.

"Book hindi ko sya napigilan, hindi ko naman din yun sinadya.."

"Ang alin? ang paglapit ni Sean? o ang nararamdaman mo?"

Nakaramdam ako ng inis. Bakit ba sa tuwing naguusap nalang kami ni Book palagi syang naguumpisa ng away!?!

"Pareho! Alam mo hindi ko rin maintindihan kung bakit lagi kaming nagkikita! iniiwasan ko sya pero kahit anong gawin ko walang nangyayari!"

"Yun ay dahil nagiiba na sya!binago mo na sya! Ikaw ang may kasalanan!"may halong galit si Book sa pananalita nya.

Bakit ba hindi sya makapagsalita ng walang halong sakit o harsh na salita?
Bakit feeling ko galit sya sakin!? Ano bang problema nya!?

"Wala akong ginagawa---"

"Talaga ba!? Kung sabihin kong hindi naman dapat ikaw ang magiging ina ni Shane kundi si Merielle!? wala ka paring ginagawa!?"

Napatigil ako sa sinabi nya. at feeling ko may kutsilyong tumarak sa puso ko.

"Hindi ikaw ang dapat kasama nya ngayon! Kundi si Merielle!Hindi ikaw ang dapat na ina ni Shane kundi si Merielle! HINDI IKAW ANG BIDA SA KWENTO CHICHI! KUNDI SI MERIELLE!"

Hindi ko napigilan ang luhang kumawala sa mata ko dahil sa pagsigaw nya at sa mga sinabi nya.

Alam kong tama sya at hindi ko kailangan kontrahin lahat ng sinabi nya pero bakit ganito kasakit?

Bakit pinagdidiinan nyang wala akong parte sa kwentong to? Bakit palagi nyang sinasabi sakin na wala akong papel sa kahit na sino mang tauhan dito sa kwento?



"Marami ng part na ikaw na ang gumaganap imbes na si Merielle, Chichi, hindi dapat ikaw ang unang halik ni Sean kundi si Merielle!!
doon palang malaki na ang epekto sa storya! marami kang binago sa kwento... GINULO MO NA LAHAT!"inis na sabi nya.


"H..hindi ko sinasadya.." napakagat ako ng labi para iwasang humikbi.

Totoo naman eh, hindi ko naman sinadya yun. Aksidente yung kiss na yun.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon