59.Soccer Game

402 27 7
                                    


Kinabukasan ay hindi na muling uminit ang pangalan ko sa school, hindi ko alam kung anong magic ang nagyari pero lahat sila mukhang apologetic pa ang mukha sa tuwing nakakasalubong ko.

"Chichi!!" sinalubong ako ni Ruffie ng nakangiti.

"Hey mukhang good mood ka..." nakangiti kong bati.

"Oo naman! Anong oras ka nga pala pumasok?"

"late na.. si Iñigo kasi ang tagal" sabi ko.

"Eh!? ibig sabihin hindi mo nakita!?!" tumigil si Ruffie at hinawakan pa ang dalawang balikat ko at inalog alog.

"A..ang alin ba?" napangiwi ako sa pag alog sakin ni Ruffie. Kailangan nya ba talagang gawin yan?

"Omg! Kaninang umaga nagbanta si Sean sa mga studyante ng campus! Kung sino man ang mang bully sayo at pag isipan ka ng masama, lagot sa kanya!!" kinikilig nyang sabi at nanghampas na naman as usual.

"sinabi nya yun?" di ko makapaniwalang sabi.

"Oo realtalk!! Kung nandito ka lang hmph! Edi nakita mo sana kung oaano ka ipagtanggol ng prince charming mong gwapong soccer player?Haha!!"

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Ruffie. Pinagtanggol nya ako? Kaya ba ganun nalang ang reaksyon ng mga tao kanina?

"Ang lakas naman ng loob nya, ano naman magagawa nya?"

"Hay nagtatanong ka pa? Eh mayaman ang gwapong yun!! Kalahati ng share sa school nato sa kanila galing! Kaya malakas kapit haha"

"Ah okay.."

"eh!? ng dami kong sinabi yun lang sagot mo!?"

Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Nagpapasalamat ako sa ginawa ni Sean, pero kagaya ng sinabi ko kay Iñigo kagabi hindi na ako lalapit sa kanya. Ayoko ng makagulo, kahit masasaktan ako hindi ko na pipilitin ang sarili ko na kontrahin ang tadhana. Mahirap syang kalaro kahit kailan.

"Chi..si Sean makakasalubong natin" bulong ni Ruffie. Natanaw ko si Sean sa dulo ng hallway, nakita kong nakatingin sya sakin kaya lumiko ako ng daan.

"Eh!? Chi saan ka pupunta!?" Hindi ako nasundan ni Ruffie dahil nakipagsiksikan ako sa mga studyante.

Ayos lang, seatmate naman kami at siguradong magkikita kami sa klase.

Napabuntong hininga nalang ako ng makasandal ako sa pader.

"Bakit nagtatago ka? Tinataguan mo si Sean no?" napatalon ako sa gulat ng may sumulpot sa tabi ko.

"Dylan?!"

"Hi Chi, ilang araw din tayong hindi nagkita" nakangiti nyang bati. Oalagi talaga syang nakangiti.

"Tinataguan mo si leader?"

"h..hindi"

"weh? haha! Nakakatawa ka.. anyway bago ko pa pala mapansin, pumoporma na pala talaga si Sean sayo.. grabe nakahalik agad sya! sayang talaga" sabi nya at ni-click ang tongue nya ng ilang beses na parang sa butiki.

"huh?"

"Pero alam ko namang olats na ako simula palang, lakas kasi mangbakod ng kapatid mo haha!! Sige papasok pa pala ako, ingat ka nalang!!"nagwave sya sakin at naglakad na habang nakapamulsa.

Napataas nalang ang kilay ko habang pinagmamasadan syang lumayo.

"minsan may pagka weird sya"bulong ko sa sarili ko.

Simula ng araw na ito ay iniwasan ko na si Sean, hindi ko nga alam kung sinasadya na o talagang palagi kaming na ku-krus ng landas. Palagi tuloy akong napapaiwas ng daan at mas nilalakad ang mahabang daan.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon