29.We're the Chosen Parents?

413 30 15
                                    

ILANG ARAW ANG LUMIPAS matapos yung nangyari sa amusement park.

Natapos ko na din yung isang part ng libro pero sa ngayon wala pang pinapakita si book na susunod kong gagawin.

"Girl! galing dito si Sean kanina ah! Nasaan ka ba?" tanong sakin ni Belle na naghihiwa ng ingredients.

"Uhh.. nasa labas ako kanina"

Ilang days ko na ring iniiwasan si Sean. Palagi nya akong tinetext na gusto nya daw akong makausap pero hindi ako nagrereply. Kapag pumupunta sya sa dito sa bahay, lalayas ako ng palihim at uuwi na ng gabi.

Ilan lang naman yun sa ginagawa ko para hindi kami magkita. Ayoko talaga syang makita eh.

"Palagi nalang kayong nagkakasalisi! Oo nga pala, may flower ka na naman galing kay Prince Khallie. Grabe anong pinakain mo dun?" Tinignan niya ako ng mag panunukso.

"wala no! Psh" pumunta ako sa gilid ng pintuan at kinuha yung mga roses na pinadala ni Prince Khallie.

Nagpapadala ng flowers tong si Prince Khallie simula ng maglunch kami together. Hindi ko alam kung bakit pero hinahayaan ko nalang. At tsaka wala namang masama diba?

"Sabihin mo nga, nag iiba na ba ang ihip ng hangin ha?"taas kilay na tanong ni Belle.

"ano na namang nasa utak mo?tsk!"

"eh kasi nagpapadala si Prince Khallie ng bulaklak sayo eh, pano na si Prince Sean? wala na kayo?kaya ba iniiwasan mo sya?"nakapout nyang sabi.

Nangaasar ba tong si Belle?

"walang kami tungek"

"Eh bakit nga?"

"Belle, alam mo namang sya yung bida sa kwento, ayokong makaapekto sa kanya na pwedeng maging reason kung bakit hindi pa ako makauwi"

"ah...so sinasabi mo bang may affection ka sa kanya?"nakangiti nyang sabi.

teka ganun ba yung sinabi ko?

"h..hindi!! may sinabi ba ako!? ano ako assumera!?"

"hihi! Pero anong pinagkaiba nun kay Prince Khallie diba? Part din kaya sya ng libro"

"Hindi ko naman kasalanan na magpadala ya ng bulaklak dito eh! malay ko bang ganito pala sya sa babae"

"Tss.. ewan pero hindi naman dahilan yun para layuan mo si Prince Sean eh. lalo mong pinapakita na apektado ka talaga"nakangiwi nyang sabi.

Eh kung yun ang dapat gawin bakit hindi? Tsaka yun din naman ang suggestion ni Book sakin.

"Sabihin mo nga, inlove kana ba sa prinsipe kaya ganyan ka?"

hindi ako nakasagot. Alam ko naman sa sarili ko na higit pa sa crush yung nararamdaman ko sa kanya eh kaso ayoko sabihin mismo na mahal ko na sya kasi parang mas masakit.

tama ba?

"Tsss.. silence means yes, malala kana girl, goodluck sa mission mo"tinapik nya ang balikat ko at bumalik na sa kitchen.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.

***

Lumabas muna ako dahil alam kong pupunta na naman si Sean sa bahay. Hindi ko sya pwedeng makita at makausap.

Hindi naman sa bitter ako o ano, it's a part of moving on....charot!

Napatigil ako ng makitang nagkukumpulan yung mga tao kaya lumapit ako dun at nakiusisa.

hmm..ano kayang meron?

May lalaking nakatayo sa maliit na platform, may mustache pa sya na puti at mukhang taga palasyo sya dahil sa suot nyang pula na makintab pa ang tela.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon