39.Belle's Secret

301 20 1
                                    


"What? Chi ano ba 'tong sinasabi mo?" Nakakunot parin siya ng noo.

"You're just a fictional character Sean, and I am a real human. We can't be each other. We're different"diretso kong saad.

"Wait...what? Chi is this some kind of joke or excuse para layuan kita?"

Umiling ako.

"I'm telling the truth"sagot ko at inilabas ang libro mula sa shoulder bag ko.

"I am trap in this place because of this book. And the only way to go back is to finish the story. It is your story Sean, you and Merielle, kayo ang main character sa story na kailangan kong tapusin"

Umiling iling naman siya, tila hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

"Nakatakda kayo ni Merielle sa isa't isa, hindi mo ako pwedeng mahalin.." mahina kong saad.

"Nakatala na sa libro ang tadhana nyong dalawa. Kailangan kong sundin ang nakasulat sa libro, kailangan na makauwi ako sa totoong mundo, kailangan kong balikan ang pamilya ko" muli akong napaluha.

"Kaya kahit saang anggulo mo tignan. Mali yung nararamdaman nating dalawa. Hindi dapat nagbago ang damdamin mo, at hindi dapat ako na inlove sayo. Magkaiba tayo ng mundo Sean, hindi tayo pwedeng magsama"

Hindi parin siya makapagsalita at nanatiling nakatingin lang sakin.

"No, you're lying" naiiling niyang sabi.

"Sana nga kasinungalingan lang ang lahat. Pero totoo ang sinasabi ko. Basahin mo ang librong 'to para makasiguro ka na hindi ako nagsisinungaling" inabot ko sa kanya ang librong hawak ko at tinanggap din naman niya iyon.

"Nakatala diyan lahat ng mga pangyayari sa inyo ni Merielle. Hindi pa lumalabas ang ibang parte o kabanata kaya hindi pa tapos hanggang dulo"

Tinitigan niya ako ng matagal. Sobrang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin sakin.

"You can give it back when you're done. I have to go" malamig kong tugon at lumabas ng kwarto niya.

Tumulo agad ang luha ko at napatakip sa bibig ko para maiwasan ang paghikbi. Parang tinatarak ang puso dahil sa mga nangyayari.

Bakit ganito? All I want is to come back to my home, but why I need to suffer a heartbreak? And worst, sa loob pa ng libro? Unbelievable.

"Mama!!"

"Shane?" I saw Shane running on the hallway. He look so cute on his royal suit.

Tumalon siya ay niyakap ako sa leeg. I miss this little boy.

"I miss you baby.." wika ko at hinalikan ang pisngi niya.

"Umiyak ikaw po mama? Nasaan si papa po?"

"N..no. Napuwing lang. Yung papa mo nasa kwarto niya. Wag mo ng istorbohin ha?"

"Opo mama"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sean. Nasa harap parin kasi kami ng pinto.

"Papa!"

Umalis agad ng yakap sakin si Shane, at kay Sean naman yumakap.

"Are you going to bring him?"tanong sakin ni Sean.

"N..no, dito muna siya"saad ko at napaiwas ng tingin.

Pagkatapos nun ay pareho na kaming nawalan ng sasabihin ni Sean. Ilang segundong naging awkward ang atmosphere namin kaya naman ako na ang unang nagpaalam.

"Uhh, I have to go"

Tumalikod na ako at tuluyang umalis. After that day ay ilang araw kaming hindi nagkita. He's not visiting me anymore, mukhang malinaw na sa kanya ang lahat.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon