41.Just for You

353 27 9
                                    

Nagising ako dahil sa vibration ng phone ni Sean. Pareho pala kaming nakatulog kanina. Nakayakap parin siya sakin hanggang ngayon, napangiti ako at hinaplos ang pisngi niya.

Muling nagvibrate ang phone ni Sean kaya kinuha ko yun at tinignan. Tumatawag ang mommy niya.

"Sean.. yung mom mo tumatawag"ginising ko na siya.

Dumilat naman siya at inaantok na sinagot ang tawag.

"Mom? Uh.. yeah I almost forgot. Yeah we're going"sabi niya at ibinaba agad.

"Ano daw sabi?"

"Dinner"tipid niyang sagot dahil inaantok pa siya.

"Sige magbibihis na ako"ani ko at tumayo na. Si Shane ay tulog parin, grabe ang dalang ito, mag tatay talaga.

Pagbalik ko ay nakaupo na si Sean kasama si Shane. Nagkukwentuhan sila tungkol sa Peter Pan na nakaligtaan ni Shane kanina dahil nakatulog siya.

"Mama tara na po!!"excited na saad ni Shane.

"Sure. Let's go"

===
Naging maayos naman ang dinner kasama ang parents ni Sean. Pagkadating namin ay nakahanda na pala ang mga pagkain at hinihintay nalang kami.

"Illiannah! I'm glad to see you.." agad akong niyakap ng mom ni Sean at niyakap ko rin naman sya.

"Glad to meet you too, Mom.."nahihiyang sabi ko.

'Mom' kasi haha! Napatingin naman ako kay King George na nakangiti lang sakin.

"good evening po"

"Good evening, upo na kayo"

Nakita ko rin dun si Charlie sa kabilang side, tinabihan sya ni Shane tapos kami naman ni Sean sa kabilang side.

Wala ang kambal nya dahil kasama ni Prince Khallie sa ibang bansa.

Tulad ng dati, ang daldal parin ng parents ni Sean at talagang nakakaintriga ang mga tanong nila.
>\\<

"Illiannah anak, nung nakita namin kayong naghahalikan ni Sean gagawa na ba sana kayo ng baby kung sakaling di kami dumating?" bigla akong nabulunan sa sinabi ni Mom.

"mom!? Ano bang tanong yan!?"biglang sabi ni Sean habang tinatap ang likod ko. Inabutan nya ako ng tubig at pinainom.

"Ay! I'm so sorry anak, naeexcite kasi ako eh ..hehe"

Tatawa tawa naman silang mag asawa samin. Hayss.. Astig ang parents nya talaga.

"So kayo na nga officially?"taas kilay na tanong ni Charlie.

"Yeah. So back off Charlie"nakangising sabi ni Sean.

Naparoll eyes naman si Charlie at medyo naasar.

"Whatever"

"Tsaka may chicks ka ng bago diba? What is her name again? krissy? Clarisse? Kristine!!"pangangasar ni Sean.

"Hmph! Chicks?! matatawag mong chicks yun!? wag mo nga akong asarin dun! I don't like that maid!"inis na sabi nya.

"Kristine? sinong kristine?"takang tanong ko. Feeling ko kasi narinig ko na sya.

"Yung bagong personal maid ni Charlie, Si Kristine Aubrey, she's very pretty I guess.." sagot ng dad ni Sean.

Waahh!! si Tintin!? kaya ba problemado sya ng makaaway nya si Charlie sa resto!? Kaya pala.. magtatrabaho sya bilang maid ni Charlie, tingnan mo nga naman ang kapalaran haha!

"Pretty? Sa katarayan ng babaeng yun, walang magkakainteres sa kanya. tsk! And stop mentioning her, nakakaasar lang"

Wusshuu! Asar daw? pero niyaya nya sumayaw si tintin nung ball? napakagaling no?haha!

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon