4.I'm inside the book.Seriously.

600 44 9
                                    

MIROIANAH. Hindi ko alam kung may ganito sa Pilipinas pero sa pagkakaalam ko, wala naman.

Unti unti na akong nagkakaideya sa lugar na'to. Baka ang lugar na 'to ay mahiwaga, naiisip ko pa na baka may mga wizards dito o witches?

Pero kailangan ko pang kumpirmahin ang lahat. Mas creepy pa naman kung may wizard at witch dito.

Sana wala.

"sorry.." sabi ko ng mabunggo ko ang isang babae.

Well, marami tao dito, at kapansin pansin ang suot nila.

Ang mga babae ay puro naka dress at coat, hindi ba uso ang short?

ang mga lalaki ay naka coat din at parang naka long sleeve lagi, katulad ng suot ng lalaki kaninang tumulong sakin.

tawagin nalang natin syang Piggy dahil ni-piggy back ride nya ako kanina.

"Ate, bili po kayo ng Lilies candy?" alok sakin ng bata. nakita ko ang mga bulalak sa basket nya. Seryoso? candy yan?

speaking of Lilies, siguradong lagot ako kay lola Lily kapag nalaman nyang pumasok ako sa pinagbabawal na bodega!

Hindi ko ma-imagine ang parusang ibibigay nya sakin kapag nahuli nya ako. Siguradong papakainin nya ako ng pinaka ayaw kon gulay sa lahat. Ang okra!

"Uhh.. wala akong pera eh, sorry"

"okay"

May nakita akong lalaki na nakaupo sa isang Fountain. Parang ito yung pinaka gitna ng bayan. Napakaganda nito dahil parang nag g-glitter ang tubig nya.

"Uhh.. manong.. may alam po kayong daan papunta sa bahay ng lola ko? doon lang po sya sa-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng tumingin sakin si manong ng masama. Napatakip ako ng bibig gamit ang librong hawak ko.

"Ah.. hehe.. sige po.. siguro sa iba nalang akong magtatanong.. hehe"

Lumayo na ako at baka kainin pa ako nun ng buhay.

Bakit ba lahat ng tao dito mukhang masungit?Pano kaya ako makakauwi!?

"Uhh.. excuse me, alam mo ba kung nasaang parte na ako ng Laguna?"tanong ko sa isang babae pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Ate, anong part po ito ng Laguna?"

"Kilala nyo po si Lily Zarfonso? alam nyo kung saan sya nakatira?"

"pwede nyo po ako ihatid sa bahay ng lola ko? si Lily Zarfonso?!"

Kung sino sino na ang pinagtanungan ko pero lahat sila dinedma lang ako!!!

WALA BANG TAONG MAY BUSILAK NA PUSO ANG MAGHAHATID SAKIN SA BAHAY NG LOLA KO!?

Naglakad lakad ako para magtanong tanong pa pero shit! ang sakit parin ng paa ko! nakayapak lang kasi ako at tanging ang benda lang ni piggy ang nasa paa ko.

"Aray!" Biglang may bumunggo sakin lalaki kaya nahulog yung libro ko. Tinignan ko sya ng masama pero hindi nya ako pinansin at nag dirediretso lang.

"Hoy! wala kang manners! nabunggo mo kaya ako!!"inis na sabi ko.

Pinulot ko yung libro ko ng biglang may lumapit sakin aso.

"Hello doggie!"

"Arf!Arf!!"

Napalayo ako ng tumahol ito. Grabe ang laki ng boses nya! ang laki kasi ng asong ito!

"Hulihin nyo sya!!" Nagulat ako ng may pumalibot saking mga taong may armas kaya napataas ako ng kamay.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon