12.Another Dinner

444 34 17
                                    

Wahh! nakita na nila tuloy ako!! kasalanan to ni Kuya Lars!!
Hindi ko alam ang sasabihin ko!! Hi? Hello? Ano ba? Wahh!! Nakakahiya!!

"Illiannah!! It's good to see you! kanina ka pa namin hinihintay!"Masayang bati ni *ehem* Mom na katabi ng dalawang teenager na mas bata sakin.

"Uhh.. eh.. hehehe"yan nalang ang nasabi ko. Grabe pinapahiya ko ang sarili ko!!

"Wow...napakaganda mo ngayon, hindi ba Sean?"Sabi ni Dad.

Nahiya naman ako at napatingin kay Sean na nag iisa sa isang side ng table. Nakatingin lang sya sakin at hindi nagsasalita.

"Huy Sean! Kinakausap ka ng dad mo!"sabi ng mom nya at tinapik.

Napablink sya bigla ng eyes at napa iwas ng tingin.

Haluh bakit? Panget ba ako!? Kapapalit palit ba ako!?Chos!

"Uhh.. t..tatayo ka nalang ba dyan?"sabi nya ng hindi nakatingin sakin.

Tingnan mo, pinapahiya din ako ni Sean!! tsk!

"Oo nga iha, ba't hindi ka lumapit dito?" Ma awtoridad na sambit ng isang lalaking may katandaan na, Pero halata mong gwapo sya nung kabataan. Nakaupo sya sa opposite seat ng dad ni Sean sa dulo.

Medyo kinabahan ako sa kanya, ang seryoso ng mukha nya at mukhang masungit. Para si Sean lang nung unang pag kikita namin.

"Uhh..ehh.."

"Sige na Illiannah, dito ka sa tabi ni Sean"sabi ni mom.

"Ah..O..opo"

Para akong robot kung maglakad dahil kinakabahan ako sa matandang yun. Ewan ko ba, ang seryoso nya at medyo nakakatakot.

Naglakad ako papunta sa vacant seat which is sa tabi ni Sean at may isa pang vacant, bale two vacant seats pa ang nandun. Dun nalang ako sa isa para di kami tabi ni Sean!!

"Saan ka pupunta?" naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

kyah~ Si Sean!!

"Uhh..uupo?"

"Dito ka sa tabi ko"sabi nya at biglang tumayo at inurong yung upuan sa tabi nya.

Gentleman!! yes naman!!

Naramdaman kong nakatingin sila samin kaya umupo na agad ako.
Kaharap ko yung babae na ka edad ni Iñigo, nakakatibo sya dahil ang ganda ng batang to at ang gwapo naman ng katabi nya!! Oh mon dieu! kaano ano kaya sila ni Sean!?

"eat"bulong ni Sean dahil nakatitig pala ako sa maganda at gwapong kaharap ko ngayon.

Kumain narin ako, syempre konti konti lang para di magmukhang PG!! Haha!!

"Uhh.. sya nga po pala si Illiannah Dad, Anak anakan namin ni Kate, Illiannah, si King Vincent, The King of Persillia and also my Dad"sabi ng dad ni Sean.

dad!? It means.... Lolo sya ni Sean!? Oh mon dieu!! nakakatakot ang lolo nya!!

"Anak anakan?"taas kilay nitong tanong.

Wahh!! nakakatakot sya!!

"And Sean's Girlfriend"duktong ni mom.

nanlaki naman ang mata ko kay mom.
GIRLFRIEND!?!? Pero nag wink lang sya sakin.

Mom naman eh!!!

"girlfriend!? She's already your girlfriend Sean!?"sabi nung lalaking pogi na mas bata pa sakin.

"Yeah"tipid na sabi ni Sean kaya mas nanlaki pa ang mata ko.

IM HIS GIRLFRIEND!?!?! SINCE WHEN!?!?

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon