35.Fairy godfather?

347 28 14
                                    


Kanina pa ako nakatulala sa direksyong pinuntahan ni Merielle. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko.

Tama bang binigay ko ang regalo ni Sean sakin? Pero kasi kailangan nyang umattend sa ball.

Yun ang paraan para maacomplish ko ang next part ng libro.

Pero bakit ganito? Nalulungkot ako! Waaahh!!

Naglakad nalang ako papunta sa bahay kahit madilim na. Wala akong magagawa dahil wala narin akong gagawin dito.

Nang nasa daan ay napatigil ako at napatingin sa maliwanag na palasyo na tanaw na tanaw mula dito.

Siguro ngayon ay nagkakasiyahan na sila at.... at.... baka umamin na si Sean.

napayuko ako sa thought na yun.

sighed.. ayoko na mag isip.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? bakit hindi ka nakabihis?"

napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Hala isang gwapo na naman? Bakit ba napakadaming gwapo dito?

"Titignan mo lang ba ako?"taas kilay nyang sabi.

Tinaasan ko sya ng kilay. Sino ba to?

"Magkakilala ba tayo?"takang tanong ko.

Hindi ko naman kasi sya kilala bakit kinakausap nya ako? At saan sya galing?

Hindi naman sya sumagot imbes ay umismid lang sya.

"Kailangan mo ring pumunta ng ball. Napakatanga."sambit nya na nagpakunot sa noo ko.

"Makatanga ka ah! sino ka ba!?" inis na sabi ko.

"Manahimik ka. Sumunod ka nalang at sinasayang mo ang oras"hinila nya ako at isinakay sa kabayo.

Huminto kami sa isang mall at agad agad syang bumili ng gown para sakin.

"Oh isuot mo na"sabi nya at binigay sakin ang gown.

"sino ka ba talaga? bakit mo ko binilihan ng gown?friends ba tayo? bakit alam mong hindi ako makakaattend?"nagtataka kong tanong.

"napakadaldal mo talaga, isuot mo na yan!!"masungit nyang sabi at tinulak pa ako papuntang fitting room.

Isinuot ko nalang yung binili nyang gown para sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla syang sumulpot para bilihan ako ng gown.

Honestly speaking ngayon ko lang sya nakita pero may parte sakin na nagsasabi na pakiramdam ko kilala ko sya.

Pero sino ba talaga sya?

Lumabas ako ng fitting room at pinakita kay kuya Pogi yung suot ko.
Infairness maganda rin tong binili nya. May taste din pala sya.

Isang up shoulder gown na color red na may pagka maroon ang suot ko, may lining syang gold tapos may gold lace pa sya na niribbon ko sa bewang.Parang princess gown din.

Hindi kasing ganda ng binili ni Sean pero okay na sya sakin.

"Ano?okay ba?"tanong ko sa kanya.

tinitigan nya ako kaya napatingin din ako sa sarili ko.

"bakit pangit ba---"

napatigil ako ng makitang wala na sya sa harap ko. Asan na yun? Napakawalang hiya naman ng lalaking yun. parang walang manners. =.=

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon