51.The Date

289 24 8
                                    


Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng pantulog, dahan dahan akong lumabas ng banyo at kumuha ng brush at nag brush ng buhok ko.

Nakita ko sa peripheral view ko ang paglingon sakin ni Sean na nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro pero nagpatay malisya lang ako.

Eeh~ kinakabahan ako sa kanya!!

"Chi.." awtomatikong nanginig ang kamay ko habang nagsusuklay.

"B..bakit?" Why am I stammering!?!?

"hmm.. dito ka sa tabi ko" napakagat ako ng labi at pinigilan ang kaba. Bakit!? Bakit nya ako pinapalapit!?!?

"Chi.."

"O..oo eto na nga po" humarap ako at lumapit sa kanya, tsaka tumabi sa kanya.

Inakbayan nya ako at nagpatuloy lang sya sa pagbabasa.

Phew! akala ko naman kung ano, ikaw talaga chichi! kung ano anong iniisip mo!!

Nagulat ako ng bigla nyang isara ang libro at tumingin sakin, bigla tuloy akong kinabahan.

Napalunok ako ng unti unting lumapit ang mukha nya sakin, ako naman ay lumayo sa kanya at napabend.

What the F?! What is he thinking!?

napahiga na ako sa kama at sobrang magkalapit na ang mukha namin.

"You're blushing.."nakangisi nyang sabi.

Napaiwas nalang ako ng tingin, tapos natawa sya ng mahina.

"My wife's so cute.."nakangiti nyang sabi.

Bahagya nyang dinampi ang labi nya sakin tapos umupo ulit. Napakunot naman ang noo ko at umupo din ulit.

Ano yun? Yun lang? Charot.

"This is our first night as a husband and wife.."nakangiting sabi nya at hinaplos ang pisngi ko.Napangiti ako.

Ang sarap talaga pakinggan yung husband and wife :)

"are you feeling happy with me right now Sean?"tanong ko

"Yeah. And I'm more feeling inlove with you.."kinagat ko ang labi ko dahil sa kilig.

Hindi talaga sya nabibigong pakiligin ako kahit kailan. >\\<

"Sus...haha ang cheesy mo.."nakangiting kong sabi.

" 'don't care, It's your fault why I ended up like this anyway.."sabi nya.

Napapout ako. Bakit ako lagi ang may kasalanan?

"Don't seduce me"kumunog ang noo ko sa sinabi nya. wala naman akong ginagawa ah?

"Huh?"
Biglang nanlaki ang mata ng hubarin nya ang pang itaas nya.

Shet.. abs..

Umiwas agad ako ng tingin pero bigla nya hinawakan ang chin ko at hinarap sa kanya.

"Why you're looking away?"

"Uhh..m..may nakita ata akong daga" sabi ko habang iniiwasang tumingin sa abs nya. Shet naman eh!! Nang aakit kaba Sean!?

Ngumisi sya bigla.

"You sure?"taas kilay nyang sabi

"O..oo nga"

"Why are you looking away to my body?"

"Eh? hindi ah! nakatingin lang talaga ako sa mukha mo, ang gwapo kasi"

"You're lusting my body right?"

"Oy!! hindi ah! hindi nga ako tumitingin diba!?"

"It's alright honey, I'm your husband now.."

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon